FVR tinanggap na rin ang alok ni Duterte na maging Chinese envoy | Bandera

FVR tinanggap na rin ang alok ni Duterte na maging Chinese envoy

- July 24, 2016 - 02:53 PM

fvr-duterte

SINABI ng Palasyo na tinanggap na rin ni dating pangulong Fidel Ramos ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging Chinese envoy para makipag-usap sa China kaugnay ng pinag-aagawang West Philippine Sea.

Sa isang text message, idinagdag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na personal na nag-usap sina  Duterte at Ramos kaugnay ng alok ng pangulo para sa dating presidente na maging opisyal na kinatawan niya sa China.

“FVR has indicated that he has received a clean bill of health and has accepted the President’s offer to engage China in conversations germane to our common interests,” sabi ni Abella.

Sa isang panayam, sinabi ni Ramos na siya ang humiling kay Duterte na magkausap sila sa Davao City noong weekend na umabot ng dalawang oras.

Idinagdag ni Ramos na iniulat niya kay Duterte na binigyan siya ng medical certificate ng kanyang mga doktor sa Makati Medical Center hinggil sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Ramos, ikinatuwa naman ni Duterte ang kanyang pagtanggap sa kanyang alok na maging Chinese envoy.

Nauna nang sinabi ni Ramos na ikinokonsidera niya ang kanyang edad at kanyang kalusugan sa alok ni Duterte.

Noong Biyernes, sinabi ni Duterte na iaalok niya kay dating Interior secretary Rafael Alunan ang posisyon sakaling tuluyang tanggihan ni Ramos ang pagaging Chinese envoy.

Sinabi pa ni Ramos na isinulong niya kay Duterte ang pagpapatawag ng National Security Council para matalakay ang posisyon ng Pilipinas kaugnay ng isyu sa South China Sea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending