Isa akong factory worker. Kakapasok ko lang nitong June 2016 at hi-nulugan ako ng employer ng PhilHealth ko. Pano po kaya iyon? Nakaadvance po ako bilang individual payor hanggang September 2016? Sabi ko po sa accounting namin na huwag na akong hulugan sa PhilHealth pero ayaw po nilang pumayag kasi hinuhulugan din daw nila ang SSS ko. Dapat parehas daw iyon na huhulugan ng kumpanya. Ano po ang dapat gawin ko tungkol dito?
Isabel Ocampo
Cityhomes subdivision,
Molino, Bacoor, Cavite
REPLY:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Upang maberipika po namin ang inyong PhilHealth contributions, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:
Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name)
PhilHealth Identification Number (PIN)
Araw ng kapa-nganakan
Tirahan
SSS Number
Asahan po ang aming agarang pagsagot sa oras na matanggap ang mga nasabing detalye.
Maraming salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.