Eat Bulaga ilang buwan nang ‘kinakawawa’ ng Showtime
It’s obvious that the AlDub fever is gone. Long gone.
Sandali lang nagreyna ang Eat Bulaga and they’re now lagging behind It’s Showtime when it comes to rating. Not surprisingly, the AlDub first anniversary last Saturday, July 16 was a big flop. Based on Kantar Media’s survey, mas wagi ang Showtime sa national TV rating na 19.7% kontra 15.9% ng Eat Bulaga.
Ano nga ba ang ipinagdiriwang ng AlDub noong Sabado? Ito ba ang pagkabuo ng loveteam nina Alden at Maine o paggunita sa dating kinang ng kanilang tambalan? Halos hindi naramdaman ang dapat sana ay pasabog at malaking selebrasyon nila. Mas naungusan pa sila ng It’s Showtime kung saan ipinakilala lang si Jaya bilang bagong hurado ng hit segment na “Tawag ng Tanghalan.”
Since January ay natatalo na ng Kapamilya noontime show ang Eat Bulaga dahil na rin sa mga patok na segment nito tulad ng Sing-tunado, Trabahula, Junior Hashtags at Kembotitas. Hit na hit din ang Tawag ng Tanghalan.
Kung babalikan ang hype ng AlDub loveteam noong nakaraang taon ay malayo ito sa nangyayari ngayon. Ano man ang dahilan ay wala talagang makakaalam ngunit para sa ilan ito ay karma sa mga hindi katanggap-tanggap na inasal ng ilan sa fans ng Kapuso loveteam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.