MAGANDANG araw po sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay nagtatrabaho bilang clerk dito sa isang kumpanya sa Quezon City at minimum ang sweldo. Itago ninyo na lang po ako sa pa-ngalang Arriane at huwag nyo na lamang ilagay ang aking address. Nabalitaan ko po ang increase sa minimum wage sa NCR pero bakit wala namang increase sa aming sweldo . Ano po ang dapat kung gawin pwede ko bang isumbong sa DOLE ang aming kumpanya at gusto ko rin na malaman kung anong parusa ang maaaring kaharapin sa hindi pagbibigay ng increase sa sweldo. Umaasa ako na agad na matutugunan ang aking katanungan. Salamat p.o
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms . Arriane , maaari kang magtungo sa pinakamalapit na DOLE office sa inyong lugar at ireklamo ang hindi pagbibigay ng increase sa sweldo.
May Single Entry Approach o SENA ng DOLE na mag aasikaso ng iyong reklamo.
Para naman sa iyong katanungan kung anong penalty ang maaaring harapin sa hindi pagbibigay ng dagdag sa sweldo alinsunod na rin sa itinatadhana ng batas o RA 6727, ang sinumang indibidwal, corporation, trust, firm, partnership, association o entity na mabigong magbayad sa itinakdang pagtataas ng wage rates ay maaaring maparusahan sa pamamagitan ng multang hindi bababa sa P25,000 o ng hindi hihigit sa P100,000.
Maliban dito , may pagkakakulong din na hindi bababa sa 2 taon o nang hindi hihigit sa 4 na taon
Ang employer ay aatasan na magbayad rin ng kaukulang halaga na may katumbas na doble ng mga unpaid benefits.
Kung ang paglabag ay naisagawa ng isang korporasyon, trust, firm o partnership, ang parusang pagkakakulong ay maipapataw sa mga responsableng direktib, kabilang ang mga sumusunod ngunit hindi limitado sa presidente, bise presidente , chief executive officer,general manager , managing editor o partner.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Salamat. USEC NIcon Fameronag Usec for Employability of Workers and Competetiveness of Enterprises
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
