MAGANDANG araw po sa inyo. Ako po si Andres Rufo ng Nasugbu, Batangas.
Ako po ay dumudulog sa inyong tanggapan sa pag-asang ako ay inyong matulungan na magkaroon na ng kalinawan at positibong sagot/resulta tungkol sa aking mga katanungan, tulad ng mga nababasa ko sa inyong kolum.
Dahil sa anomalyang nangyari noong 2005, itinigil ko po ang paghuhulog pero sinabihan nila ako na maibabalik lahat ng mga nahulog ko. Limang taon na po nang huli akong makatanggap ng partial pero nakailang balik na po ako para kunin ang balanse pero ang sagot ay wala pa.
Andres Rufo
297 J.P. Laurel St.
Nasugbu , Batangas
REPLY: Magandang araw Ginoong Rufo, at salamat sa patuloy na pagtitiwala sa aming pahayagan.
Maaari po ba na malaman ang inyong policy number at iba pang impormasyon? Hindi po ninyo nabanggit kung ano itong hinuhulgan ninyo. Aasahan po namin ang mabilis ninyong tugon para mabigyan ito agad ng linaw sa kinauukulang ahensiya.
Maaaring mag-email sa inquirerbandera
[email protected] o kaya ay sa [email protected].
Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.