PH Rio Olympians haharap kay Duterte | Bandera

PH Rio Olympians haharap kay Duterte

Angelito Oredo - July 14, 2016 - 01:00 AM

NAKATAKDANG humarap kay Presidente Rodrigo Duterte sa Lunes ng hapon ang mga atletang lalaro sa 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

Magsisilbi itong courtesy call at official send-off ng Malacañang para sa 11 Pinoy athletes na tutungo sa Rio.

Ang naturang send-off ay kinumpirma mismo ni Presidential Executive Assistant Christian “Bong” Go kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez kahapon at ipinarating naman ito sa media ni incoming PSC commissioner Charles Raymond Maxey.

“Our PSC Chairman texted us about the confirmation of the send-off of 11 athletes that will compete in Rio,” sabi ni Maxey. “The send-off is set at around 2:30 p.m.”

Una nang sumulat si Ramirez sa mga mas nakakataas nitong opisyales para mabigyan naman ng pagkakataon ang mga pambansang atleta na ipinaliwanag nitong hindi man lamang nakatuntong at nakaharap ng mga namumuno sa nakaraang administrasyon bago sumabak sa Southeast Asian Games, Asian Games at maging sa Olympics.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling makakapasok ang mga pambansang atleta sa Malacañang sapul na huling makaharap ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para makalahok noong 2010 Asian Games.

“Gusto talaga ng Pangulo na makita niya ang mga pambansang atleta,” sabi pa ni Ramirez.
Mayroon naman 10 atleta ang kumpirmadong makakalaro sa Rio Olympics na gaganapin simula Agosto 5 hanggang 21 na sina Eric Shauwn Cray, Marestella Torres at Mary Joy Tabal sa athletics, Rogen Ladon at Charly Suarez sa boxing, Nestor Colonia at Hidilyn Diaz sa weightlifting, Ian Lariba sa table tennis, Kirstine Elaine Alora sa taekwondo at Miguel Tabuena ng golf.

Patuloy pa rin hinihintay ang ilang atleta na posibleng makasama sa pambansang delegasyon na sina Dottie Ardina sa women’s golf na nakalagay sa reserba, ang dalawang swimmer na hinihintay ihayag ang mga pangalan mula sa kanilang internasyonal na pederasyon gayundin sa judo at archery.

Samantala, magsasagawa rin ang Philippine Olympians Association ng kanilang pagkikila sa mga sasabak sa Olimpiada sa pagsasagawa ngayong hapon ng kanilang general assembly of Olympians at send-off para sa 2016 Rio Olympians.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending