Luis 'sexiest woman killer', tuhog daw sina Angel, Jennylyn at Jessy | Bandera

Luis ‘sexiest woman killer’, tuhog daw sina Angel, Jennylyn at Jessy

Ervin Santiago - July 13, 2016 - 12:01 AM

angel jennylyn jessy luis

KUNG ang mga followers nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang tatanungin, may relasyon na nga ang dalawa kahit pa ayaw pa nilang umamin hanggang ngayon.

Ayon kay Luis, totoong lumalabas sila ni Jessy ngunit ayaw na niyang magdetalye tungkol dito para makaiwas sa intriga at sa pakikialam ng mga bashers. Sa presscon ng bagong season ng Minute To Win It, muling natanong ang TV host-comedian kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ng tinanghal na 2016 Sexiest Woman ng FHM.

“Unang-una, hindi kami puwedeng mag-deny kasi mayroon kaming pictures online. Nakita na ng mga tao na magkasama kaming nanood (ng sine). “Napaka…ang weird naman noon kung idi-deny ko yun na may pictures online, kasi anything else gagamitin nila against me. Sabi nga, isa sa pinakabugbog na statement bawat hearing yung ‘I invoke my right against self-incrimination,’” paliwanag ni Luis.

Ayon pa sa TV host, nag-iingat lang siya ngayon dahil ilang beses na rin siyang nabiktima ng mga bashers na walang ginawa kundi mag-post ng mga kanegahang komento laban sa kanya. “Sabi ko nga, e, anything I answer, hahanapan ng mali. Sumagot na nga ako dati, nahanapan ng mali, e, di tatahimik na lang ako. Sabi ko nga, kapag sumagot ako ng para sa press, naging mali pa ako. So, sabi ko, ang tao kasi ngayon ay naghahanap ng mali, e.

“It’s unfortunate that internet brings out all the cowards, hiding behind anonymity, so lahat ng tao naghahanap ng mali. It’s the unfortunate truth because negativity sells. “So, para sa akin, kahit anong sagutin ko, kung ang tao na gusto akong saksakin, aabutan mo ba ng kutsilyo? So, hindi ko na ilagagay ang sarili ko sa alanganin. No matter what I say, hahanapan ako ng mali. I hope people will understand that?” chika pa ng binata.

May mga nagkokomento naman na certified ‘Sexiest Woman’ killer daw si Luis dahil tatlo sa mga celebrities na na-link sa kanya ay itinanghal na FHM sexiest women: sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola. “I don’t want to limit women to titles nor statistics, napaka-unfair naman sa kanila nun, parang de-numero lang.

“Yes, it’s a prestigious title being hailed as the nation’s sexiest. Pero kapag ni-refer na sa akin, parang putting them as statistics, and that’s very unfair to all the ladies out there. “Basta parang ang pangit lang na statistics lang ang kababaihan,” esplika pa ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending