Pagsasampa ng kaso kay Binay inaantabayanan na | Bandera

Pagsasampa ng kaso kay Binay inaantabayanan na

Leifbilly Begas - July 12, 2016 - 04:17 PM

Binay

Binay

Inaantabayanan na sa Sandiganbayan ang pagsasampa ng kaso ng Office of the Ombudsman laban kay dating Vice President Jejomar Binay.

     Noon pang Hulyo 1 nawala ang immunity ni Binay laban sa mga asunto kaya maaari ng isampa ng Ombudsman ang nakabinbing kaso nito kaugnay ng umano’y anomalya sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building.      Nauna ng sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na isasampa nila ang kaso kay Binay pagbaba nito sa puwesto.      Noong Pebrero ay kinasuhan ng Ombudsman ang anak ni Binay na si dating Makati Mayor Junjun Binay.      Kasama sa kaso ang dating ikalawang pangulo subalit hindi siya maaaring sampahan ng kaso noon bilang isang impeachable officer.      Ang nakababatang  Binay ay nahaharap sa dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at anim na kaso ng Falsification of Public Documents.      Ayon sa Ombudsman nagsabwatan ang mag-amang Binay at iba pang opisyal ng city hall at mga pribadong indibidwal sa overpriced na pagpapatayo sa gusali na nagkakahalaga ng P2.28 bilyon.      Sinimulan ang proyekto sa panunungkulan ng nakatatandang Binay bilang mayor ng lungsod at ipinagpatuloy ng kanyang anak.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending