PH Blu Girls binokya ng Netherlands | Bandera

PH Blu Girls binokya ng Netherlands

Angelito Oredo - July 10, 2016 - 01:00 AM

NABOKYA ang Philippine Blu Girls laban sa The Netherlands, 0-6, tungo sa ikalimang sunod nitong kabiguan sa 16th World Cup of Softball XI and Border Battle VIII 2016 sa OGE Energy Field ng ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City, United States.

Tatlong run ang agad itinala ng mga Dutch sa unang inning bago sinundan ng tig-isa sa ikalawa, ikatlo at ikalimang inning upang tuluyang patalsikin ang Blu Girls sa torneo kahit may dalawa pa itong natitirang laro.

Huling makakalaban ng Pilipinas ang Venezuela at Australia.

Nagtala si Van Aalst ng dalawang RBIs sa kanyang tatlong hits para sa The Netherlands kung saan limang runs ang isinagawa nito sa unang tatlong inning bago kumpletong pinosasan ang mga Pinay tungo sa ikatlo nitong panalo sa loob ng apat na laro.

Ginulat ni Eva Voortman ang Pilipinas matapos nitong ma-strike out ang siyam na batters. Itinala rin ng pitcher ng Netherlands ang limang innings na shutout ball habang nagbigay lamang ng dalawang hits.
Pumukol para sa Pilipinas si Sierra Lange na nagbigay lamang ng apat na hits, isang earned run, isang walk at dalawang strike out sa kanyang limang inning sa rubber.

Sinimulan ni Mary Ann Antolihao ang pag-pitch sa Blu Girls sa loob ng dalawang innings bago ibinalik sa bullpen matapos na magbigay ng pitong hits at limang runs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending