Romance in the Palace? | Bandera

Romance in the Palace?

Ramon Tulfo - July 09, 2016 - 12:10 AM

Si PO3 Michael Lee Ma-nalad ng Malolos, Bulacan police force ay masamang pulis.

Ang bangkay ni Manal-ad ay natagpuan sa isang damuhan sa bayan ng Meycauyan.

May nakasabit na placard sa kanyang leeg na nakasulat, “Pulis na pusher, huwag tularan.”

Isang malakas na mensahe ang pinararating ng pagkakapatay kay Manalad sa mga bulok na itlog (karamihan kasi lalaki) sa Philippine National Police (PNP).

Ipinakikita ng administrasyon ni Digong Duterte na wala itong sasantuhin sa magkakambal na kam- panya laban sa droga at kriminalidad.

Kahit na mga tiwaling pulis ay hindi paliligtasin ng administrasyon sa pagsasalvage ng mga masasamang-loob.

Marami pang gaya ni Manalad ang malalagas sa hanay ng mga tiwaling pulis.

Ang taumbayan ay naghihintay na madadagdagan ang mga listahan ng mga pulis na sinalvage.

Ang pulis ay uliran sa kagandahang asal.

Ang mga pulis na lumalabag sa batas na dapat nitong itaguyod ay masahol pa sa mga pusakal na kriminal.

At dahil nililipol na ang mga pusakal na kriminal, dapat ay isama na rin ang mga masasamang pulis.

Bilang komentarista sa programang “Isumbong mo kay Tulfo,” (DWIZ 882 AM sa pihitan, alas 10 hanggang 11 ng umaga), saksi ako araw-araw sa mga pang-aapi sa ordinaryong mamamayan ng mga taong dapat sana’y nagsisilbi at nagbibigay ng kaligtasan sa kanila.

Ako at ang aking mga dapat ay manhid nang mga staff ay napapailing na lang sa panawagan ng hustisya ng mga ordinaryong tao dahil sa pang-aabuso ng mga pulis.

Sinungaling ako kapag sasabihin ko na hindi ako natutuwa sa kinasapitan ni Manalad.

Dapat ay marami pang ibang masasamang pulis na sapitin ang kanyang malagim na kamatayan.

Dapat ay tuluyan nang mawala na ang mga salot sa PNP.

Ang mga sumusunod ay ang ginawang “panliligaw” ni Pangulong Digong kay Vice President Leni Robredo upang mapasagot niya ang pangalawang pangulo na sumanib sa kanyang Gabinete.

Ang panunuyo ay ginawa ng maginoong presidente sa harap ng national TV.

“Ma’am Leni, good afternoon. Nandito ako sa opisina ngayon. Tinatanong ako ni Rocky Ignacio ng Malacanang press kung bibigyan ko kayo ng puwesto sa Cabinet.

“Yan ang tanong niya (Rocky Ignacio). Puwede kong sagutin? Kasi panay kasi ang ano…nahihiya ako ma’am eh.

“Nakikinig ang buong Cabinet, ma’am. Ah, pati yung..alam mo ma’am tinawagan kita kasi para mahinto na ang tanung-tanong (kung kukunin kitang maging Cabinet member). Do not be apologetic, but gusto ko na…can you be at the housing ma’am? Can you be the Housing Secretary?

“Tatanggapin mo, ma’am?…Yes? Huwag na ma’am, kunin ko na lang. The Executive Secretary (Bingbong Medialdea) will hand you the appointment (papers). Sige, ma’am, so that would be on time for the next Cabinet meeting and even on the security matter para you’ll be kept updated on what is happening in our country.”

Habang nakikipag- usap siya kay Vice President Leni, nakatingin si President Digong kay Rocky, reporter ng PTV-4.

Malagkit ang tingin niya sa reporter.

Ito kasing si Rocky at ang noon ay si Davao City Mayor Digong ay magka-sintahan.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong si Rocky ay inasayn ng PTV-4 na kapanayamin si Mayor Duterte.

Pero naiiba na tayo ng usapan.

Habang nakikipag- usap si Mano Digong sa magandang biyuda, ang kanyang mga mata ay nangingislap.

Hindi nakita sa camera, pero malamang ay namumula o nagba-blush si Mano Digong.

Para siyang teenager na nakikipag-usap sa kanyang crush.

Naku, romance in the Palace!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Naku, papatayin ako nito ni Honeylet! Hehehe!)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending