Pag-apir ng anak nina Hayden at Vicki sa Showtime kinuwestiyon; bawal daw | Bandera

Pag-apir ng anak nina Hayden at Vicki sa Showtime kinuwestiyon; bawal daw

Ambet Nabus |July 08,2016
facebook
share this

Pag-apir ng anak nina Hayden at Vicki sa Showtime kinuwestiyon; bawal daw

Ambet Nabus - July 08, 2016 - 12:45 AM

VICKI BELO AT SCARLET SNOW

VICKI BELO AT SCARLET SNOW

“HINDI po ba bawal ang bata lalo na kapag baby pa? Bakit ganu’n, pinayagan sila!” ang tanong ng ilang netizens na nagulat at nagtatanong kung bakit pinayagan sa studio ng It’s Showtime ang anak nina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo?

Hindi namin napanood ang sinasabing opening number ng It’s Showtime noong Wednesday, pero marami nga ang nagparating sa amin na ilang beses pang ipinokus sa camera sina Dra. Belo at Scarlet Snow.

Hmmm, sa pagkakaalam namin ay bawal ang mga bata na manood sa live shows ng ABS-CBN lalo’t wala pa itong 10 taon.

Sinubukan naming kontakin ang aming mga kaibigan sa noontime show pero as we write this, waley pa silang ibinigay na sagot.

Hala, nagtatanong tuloy ang maraming Kapamilya fans and supporters na porke si Dra. Belo ‘yun at kilalang sponsor ng mga artista eh, exempted na sa rules and regulations na ipinatutupad ng network sa mga live shows on bringing in kids?

Hmmm, pakisagot nga po? Unless, bago na ang rule ninyo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending