BARON hinamon ng suntukan ang kaibigan ni DEREK, pati raw mga gwardiya hindi pinatawad | Bandera

BARON hinamon ng suntukan ang kaibigan ni DEREK, pati raw mga gwardiya hindi pinatawad

- February 23, 2013 - 03:57 PM

baron geislerLasing na lasing na dumating sa taping ng Kidlat

Ano pa kaya ang dapat gawin ng mga taong nagmamalasakit para magbago na talaga si Baron Geisler?

Ipinasok na siya sa rehab, nangako naman siyang magbabago na, pero ang lahat ng mga ‘yun ay puro pangako na napako lang.

Hindi pa rin niya iniiwasan ang sobrang paglalasing, patuloy pa rin ang kanyang bisyo, at kapag nasa ilalim na siya ng ispiritu ng alak ay nanggugulo na siya.

Naghahanap siya ng away, ng gulo, kahit sino ay hinahamon niya ng suntukan.

Hindi na maganda ang mga ipinakikita ni Baron, hindi na gawain ng isang taong nasa wasto pang pag-iisip ang nakikita sa kanya, panahon na talaga para sumailalim siya sa mahabang proseso ng gamutan.

Nu’ng nakaraang Miyerkoles nang gabi ay nanggulo na naman si Baron sa taping ng seryeng Kidlat na pinagbibidahan ni Derek Ramsay. Kontrabida siya sa nasabing matagumpay na palabas ng TV5, magaling kung sa magaling si Baron kung pag-arte ang pag-uusapan, pero bilang tao ay laglag siya dahil sa kanyang nakauumay nang pagbibisyo.

Dumating siya sa Boys Town nang langong-lango, maingay, naghahanap ng makakaaway.

Nakita niya ang isang kaibigan ni Derek, hinamon niya ito ng suntukan, pasalamat si Baron dahil alam ng taong ‘yun na matapang lang siya kapag nasasayaran na ng agua de pataranta ang kanyang lalamunan.

“Natural, nahinto nang matagal ang taping, malaking abala ang ginawa ni Baron.

Alam n’yo naman na kapag nade-delay ang taping, e, malaking gastos ang ibig sabihin nu’n para sa production, di ba?

“Nu’ng inaawat na siya ng mga nandu’n, e, mas nagpupumiglas pa siya, nagwawala siya, hanggang sa pinalabas na siya ng mga guwardiya.

Nu’ng nasa labas na siya ng gate, e, ang mga guards naman ang hinahamon niya ng away!

“Kinakalampag niya ang gate ng Boys Town, sigaw siya nang sigaw, mura siya nang mura, ano ba talaga ang problema ng hinayupak na taong ‘yun?” naiinis na kuwento ng aming source.

Bilang aktor ay nakapanghihinayang si Baron Geisler dahil hindi lahat ng artista ay meron ng talentong hawak niya sa pag-arte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bilang tao naman ay nakakabuwisit na siya, masarap siyang kutusan dahil hanggang ngayon ay nagpapailalim pa rin siya sa bisyo, wala siyang paninindigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending