IBINUNYAG ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na siyam sa 2,405 pulis na sumailalim sa sorpresang drug test noong Biyernes ang nagpositibo sa paggamit ng droga.
Idinagdag ni dela Rosa na pawang nakatalaga ang siyam sa labas ng Metro Manila bagamat tumanggi munang pangalanan ang mga ito.
“The test yielded negative results on 2,396 urine specific[s] submitted for analysis. Nine samples yielded positive results,” sabi ni dela Rosa.
Ayon pa kay dela Rosa, sasailalim muli sa confirmatory test ang mga specimen ng siyam na pulis.
Sinabi pa ni dela Rosa na kapag nakumpirma, kakasuhan ang siyam na pulis.
“‘May isang confirmatory test pa na gagawin in the precincts. If they’re going to contest the findings nung first, then after that, ipi-pre-charge na sila. Pre-charge investigation, then ultimately, madi-dismiss ‘yan. We will dismiss them from the service,” ayon pa kay dela Rosa.
Samantala, sinabi naman ni dela Rosa na pawang negatibo naman ang 75 opisyal na dumalo sa kanyang unang command conference sa Camp Crame. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.