Geoff lumayas na sa GMA, pasok sa ‘Be My Lady’ ng Dos

By Ervin Santiago June 29,2016
share this

Geoff lumayas na sa GMA, pasok sa ‘Be My Lady’ ng Dos

By Ervin Santiago June 29,2016
share this

 

geoff eigenmann

KA-JOIN na rin sa most watched daytime teleserye ng ABS-CBN na Be My Lady ang nagbabalik-Kapamilya actor na si Geoff Eigenmann.

Gagampanan ni Geoff ang papel na Dr. Joselito Mariano, ang supervisor ni Pinang (Erich Gonzales) sa kanyang pagkaka-assign sa emergency room. Kilala si Dr. Mariano bilang istrikto at suplado ngunit nananatiling lihim sa mga empleyado ng ospital ang kaniyang tunay na pagkatao.

Ano kaya ang kaniyang magiging papel sa buhay ni Pinang? Makakaapekto kaya siya sa lumalalim na samahan nina Pinang at Phil (Daniel Matsunaga)? Huwag palampasin ang Be My Lady, 11:30 a.m. bago mag-It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.

Samantala, tuluy-tuloy na nga kaya ang paglipat ni Geoff sa Kapamilya network? Tuluyan na nga kaya niyang iiwan ang Kapuso station? ‘Yan ang kailangan nating abangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending