Igan may matinding hamon kina Cheska at Rica | Bandera

Igan may matinding hamon kina Cheska at Rica

Ervin Santiago - June 29, 2016 - 12:15 AM

rica peralejo at cheska garcia kramer

ANG mga host ng bagong GMA News TV program na Mommy Manual na sina Cheska Garcia-Kramer at Rica Peralejo-Bonifacio ang makakakuwentuhan ni Igan Arnold sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules din ng gabi.

Alamin kung cool o strict ba sa kanilang mga anak ang dalawang celebrity moms. Ibabahagi ni Rica ang kuwento kung bakit wala raw TV sa loob ng kanilang bahay. Si Cheska naman, may sasabihin tungkol sa pagpasok sa showbiz ng kanyang mga chikiting.

At sa “Nasubukan n’yo na ba?”, level up ang challenge. Pati presyo ng bilihin sa palengke at pamasahe sa jeep, itatanong ni Igan sa guest moms. At kung na-miss ng viewers ang mala-anghel na tinig ni Rica, mapapakinggan muling kumanta sa TWAC ang singer. May bonus pang version ng kanta mula kay Cheska, na tiyak kukumpleto sa inyong gabi! Abangan din ang magiging reaksyon nila sa sorpresang mensahe mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Makikisaya pa ang newest Kapuso boy band na nagmula sa reality talent search na “To The Top” –sina Miko Manguba, Mico Cruz, Louie Pedroso, Joshua Jacobe at Adrian Pascual o mas kilala bilang T.O.P. Pakinggan ang kantang “Paggising” na mula sa kanilang top-selling, self-titled album. Abangan lahat ng ito sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending