Sigaw ng mga basher kay Kris: Wag ka nang umuwi sa Pilipinas!
WHEN Kris Aquino announced on her Instagram account that she’ll be home soon, ang daming nag-react at nam-bash sa kanya.
Her “We’ll be home soon – I am so grateful for the opportunity to just be Kuya Josh & Bimb’s MOM” caption sa Instagram photo niya nina Bimby at Joshua ay hindi katanggap-tanggap sa kanyang bashers who made their sentiments public via a Facebook fan page where it was posted.
“Wag ka nang umuwi jan ka na lng!” “Maski di ka na umuwe Ok lang ang Pilipinas.” Dalawa lang ‘yan sa hate messages from her bashers. But quick to defend her were her fans. “The more you hate her the more God will love her and bless her. Basher whatever you send in to the lives of others comes back to your own.God is watching you,” one fan said.
“Napaka rude ng mga taong ito kung sa inyo Kaya ginawa yan palibhasa mga walang edukasyon,” say ng isa pa. “Hahaha! Ang gaLing ng bashers! Ang LiLinis nyo din anoo? C Kris mayaman kasi sikat at maraming trabaho nakakatuLong sa iba! E kayo anong nagawa nyo? May naituLong ba tayo sa pag unLad ng piLipinas para ibash nyo ng ganyang ang mga taong waLa nman ginagawa sa nyo at LaLo na waLa yan pakiaLam sa inyo!
“KAYO NA ung di maarte. hayaan nyong bumaLik d nman ng hingi ng pamasahi yan sa nyo! Ang bitter lagi. Insecure lang kau d kc kau sikat gaya nia!” mahabang lintanya naman ng isa pang maka-Kris. “Kahit ganun may nagawa siguro si Kris sa bansa. Dahil di naman sya nangurakot sa gov-yerno, baka sa bandang huli nag EDSA rebolution naman kayu dahil di nyu nagustuhan ang pamamalakad ng governo,buti pa nga si kris sarili nyang pera ang tinutulong nya sa mga tao,kayu ano bang nagawa nyu bakit ganyan ang mga pinoy. “I’m not Aquino allies, yung otak ng mga ibang tao utak talangka, kong may salut siguro kayu yun hindi si Kris…mabuhay poh kayu Kris!” litanya pa ng isang fan.
Whatever you say, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang marami pa rin ang nagmamahal kay Kris kaya naman welcome na welcome pa rin siya sa showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.