Pantawid Pamilya di limos—Malacañang | Bandera

Pantawid Pamilya di limos—Malacañang

Bella Cariaso - June 26, 2016 - 07:06 PM

cash-transfer

HINDI limos sa maralitang Pilipino ang Conditional Cash Transfer (CCT) ng gobyerno, taliwas sa deskripsyon dito ng mga negosyante na nagpulong sa Davao City kamakailan, ayon sa Malacanang.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma na maging si President-elect Rodrigo Duterte ay hindi kontra sa CCT o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
“Noong nakaraang halalan…wala akong narinig na kahit isa sa mga presidential candidates ang nagdeklara na [hindi nila] ipagpapatuloy ang CCT. Sa resulta ng public opinion survey, mahigit sa 80 porsyento ng lahat ng mga botante o mga mamamayan ay nais itong maipagpatuloy. At ang kanilang iboboto ay ‘yung magpapatuloy dito,” paliwanag ni Coloma.
Kabilang ang pagrerepaso ng CCT sa 10-point proposal na isinumite ng mga negosyante kay Duterte.
Idinagdag niya na tungkulin ng pamahalaan na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
“Hindi ba’t misyon at tungkulin ng pamahalaan na iangat sila mula sa kahirapan? Iyan siguro ang dapat nang mabatid at maunawaan ng ating mga kasapi ng business sector sa kanilang pagtuturing sa conditional cash transfer program,” ani Coloma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending