Aiza umayaw sa NCCA, mas gusto raw sa MTRCB
KUNG ang dating beauty queen turned actress na si Liza Dino ang tatanungin, wala talaga sa plano ng kanyang asawang si Aiza Seguerra ang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno ni Rodrigo Duterte.
Nauna nang napabalita na gagawin daw National Commission for Culture and the Arts commissioner ni Digong si Aiza, pero nilinaw na ng singer-actor na wala pa siyang tinatanggap na go-vernment position. Sinabi na ni Liza sa isang interview na ang priority nila ngayon ni Aiza ay ang kanilang first baby through in vitro fertilization. Pupunta sila sa Amerika sa October para sa prosesong ito.
Ayon pa kay Liza, marami naman daw mas qualified kay Aiza na maging commissioner ng NCCA, “Ang daming mas credible na puwede at may mga recommendations kaming binibigay para sila yung maging head,” anito.
Tungkol naman sa balitang mas gusto raw ni Aiza hawakan ang MTRCB, ang sagot ni Liza sa panayam ng ABS-CBN, “Parang wala pa yata talaga sa isip ni Aiza yang mag-chairman ng mga ganyan-ganyan. We just want to be involved in terms of being part of the committee. Tinanong siya sa NCCA, he wants to be really part of the IPs.
“So, siguro kung meron kaming gusto, like kung ako, I want to be part of the LGBT advocacies, si Aiza more on the Lumads. Kung bibigyan kami ng opportunity na maging head ng something, siguro yun yon. Siguro, yung matataas na posisyon parang, hindi talaga, eh,” esplika pa ng aktres.
Sa mga nag-iisip daw na naghihintay sila ng kapalit dahil sa pagsuporta nila sa kandidatura ni Digong noong panahon ng kampanya, wala raw sa isip nila ni Aiza ang manghingi ng posisyon sa bagong pangulo ng bansa.
“When we supported the president it was because we believed in him, that’s it. In terms of position, I don’t think right now na yon ang (objective) it woud be unfair for people to say na parang kailangang suklian yung pagkampanya sa kanya.
“Kung halimbawa man na may mga taong ganu’n hindi din natin sila dapat sabihan ng mga masasama dahil this is the only government na…sinabi na niya (Digong) mismo na hindi matataas ang suweldo ng mga to, walang luxury, walang ano. So, definitely, lahat ng mga nag-a-apply ngayon is because they want to be of service and I think that’s really admirable,” paliwanag pa ng asawa ni Aiza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.