Arnell Ignacio, Liza Diño, Kat De Castro bibigyan din ng posisyon sa gobyerno ni Duterte
NAKIKITA na naman siguro natin ang trending ng mga cabinet appointees ni president-elect Rody Duterte sa kasalukuyan – some are still on speculations while some are already confirmed.
Kung noong panahon ni President Erap Estrada ay sinabi niyang “walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamag-anak” or something to that effect, ngayong kasalukuyang administrasyon naman ay iba – malinaw na pag malapit ka sa pangulo or ikinampanya mo siya last election time ay meron kang puwestong makukuha.
Or shall we call it “coincidental” lang pero klaro sa isipan ng mga tao that ganoon talaga ang labanan ngayon. And mind you, you cannot speak your heart and mind sa panahon ngayon dahil hindi pa natin gamay ang takbo ng utak ng bagong pangulo natin, ayaw niyang napupuna siya or shall we say may pagkapikon siya kaya huwag tayong kumontra at baka pag-initan tayo.
That’s what you call “freedom of expression no more” – ganoon ba iyon? Huwag naman sana. Hindi kasi takot si Digong kalabanin ang kahit sino, kahit taga-media ka, he is not in any way bothered. Ang bukambibig pa naman niya ay “patayin, patayin at patayin pa.” Kaya nakakatakot.
Hintayin na lang natin that makes good his promises sa bansang ito, and we are praying that he appoints the right people. The fact that he wants to make the country to look like Davao – so be it. Good luck na lang sa ating lahat.
Buti na lang at taga-entertainment industry tayo kaya we are farther from harm. Sana nga. Sa showbiz na lang tayo mag-concentrate para iwas-gulo at iwas-ipit. Kung meron tayong masasaklap na saloobin sa pamumuno niya, dedma na lang, pag-usapan na lang natin nang atin-atin lang – huwag nang iparating sa kaniya at baka mataga tayo.
Ganoon ang basa namin sa kaniyang mga patakaran, it’s either you follow him or if not, may kalalagyan ka. Huwag naman sana. God help us.
Anyway, sa aming hanay ay napapansin nating umuugong na ang appointment ng ilang mga kasamahan. Si Kat de Castro na naging frontliner sa campaign (she’s always onstage everytime may sortie si Digong) ay balitang namimili between being Undersecretary of Tourism or another position being offered to her.
Di ba’t ang kaibigan nating si Noli de Castro ay open din sa kaniyang support kay Digong as he mentions his affectations sa kaniya sa TV Patrol? Kaya safe na si Noli Boy sa anumang isyu, iyan ang basa namin.
Si Aiza Seguerra raw ang gagawing commissioner ng NCCA. Kungsabagay, eligible naman si Aiza for an entertainment position dahil matinong artist naman iyan though wala pa siyang enough respectability sa commissioner level. Puwede sigurong undersecretary muna.
I don’t know lang kung anong posisyon ang ibibigay sa wife ni Aiza na si Liza Diño whose dad Martin ang siyang pinalitan ni Digong as presidential aspirant. Siguro mas mataas ang ibibigay na posisyon kay Liza kung gusto niyang maupo rin. Kasi nga, mas dikit si Liza kay Digong dahil ang tatay niya ang pinalitan – by affiliation lang ang kay Aiza. Puwede rin sigurong ibigay kay Liza ang pagiging chairperson ng CCP dahil dancer siya.
Ang inaabangan na lang namin ay kung ano ang magiging appointment ni Arnell Ignacio dahil sobrang OA ang pag-support niya kay Duterte. Kahit mga pagkakamali ni Digong ay ginagawa niyang tama. Pero bakit parang wala pa kaming naririnig na posisyong ibibigay sa kaniya?
Kung kami ang tatanungin, puwede siguro si kaibigang Arnelli sa LTO or LTFRB dahil mahilig siya sa mga sasakyan, what do you think? Ha-hahaha! Kakaloka siguro kung si Arnelli ang Chief of LTO or sa DOTC kasi yung T rito stands for Transportation.
Para nga lang tayong naglalaro sa pamahalaan ngayon eh, yung kung sinu-sino na lang. Wish lang natin siyempre that they do good. Huwag sanang maging hit and miss. Nakakalula at nakakahilo pero ganoon talaga. Kasi si Digong ay mas concerned sa traffic situation, drugs and peace and order and yung sa economy side ay ipinauubaya na lang niya sa mga expert-friends niya.
As a citizen of this country, I will abide by the law. I will follow the rules. Kung labag sa kalooban ko ang mga paiiralin niyang batas, pikit-mata ko na lang sigurong susundin dahil mahirap suwayin ang kaniyang mga alituntunin. Pero sasamahan ko siyempre ng taimtim na dasal na gumanda ang buhay nating lahat sa kaniyang pamumuno.
Let’s just be all good. Let’s support him dahil siya ang pinili ng bansang itong maging pangulo. Hindi naman niya kakayanin lahat ito kung wala ang tulong natin. Let’s sleep tight pagsapit ng gabi, OK?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.