Pulis patay, kawal sugatan sa duelo dahil sa away-tripiko | Bandera

Pulis patay, kawal sugatan sa duelo dahil sa away-tripiko

John Roson - June 23, 2016 - 05:42 PM
davao del norte Nasawi ang isang pulis habang isang sundalo ang nasugatan nang magbarilan malapit sa pamilihang bayan ng Tagum City, Davao del Norte, Miyerkules ng hapon, dahil umano sa away-trapiko, ayon sa pulisya. Nasawi si PO3 Gene Daño, 37, nakatalaga sa New Corella Police Station, ayon sa ulat ng Southern Mindanao regional police. Sugatan naman si Cpl. Alonto Malawani, 47, nakatalaga sa 534th Engineering Battalion nbg Army 10th Infantry Division na nakabase sa Mawab, Compostela Valley. Naganap ang insidente dakong alas-4:57 malapit sa Tagum City Public Market na nasa Purok Bayanihan, Brgy. Magugpo West. Sinabi sa pulisya ng mga saksi na nakita nilang dumating sina Daño at Malawani sa lugar lulan ng kani-kanilang motorsiklo, at biglang nagbarilan. “As per information gathered from the area and CCTV footages, it appears that it all started with a traffic altercation. Ito po kasing dalawa ay parehong nagmo-motorsiklo at nagkagitgitan,” sabi ni Insp. Anjanette Tirador, tagapagsalita ng Tagum City Police, sa BANDERA. Lumalabas din na di nakilala nina Daño at Malawani ang isa’t isa bilang miyembro ng ahensiyang pangseguridad, dahil kapwa sila naka-damit pangsibilyan, ani Tirador. Narekober ng mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ang isang PNP-issued na kalibre-.9mm pistolang may tatlong bala, pitong basyo ng parehong kalibre, tatlong basyo ng kalibre-.45 pistola, isang slug, sling bag na may dalawang .9mm magazine; at isang kalibre-.45 pistola na may extended magazine at dalawang bala. Ginagamot pa si Malawani sa Davao Regional Medical Center para sa mga tama ng bala. “He is considered as arrested and is being guarded by our personnel at the hospital,” ani Tirador. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending