20 katao dakip sa cybersex den | Bandera

20 katao dakip sa cybersex den

John Roson - June 23, 2016 - 05:33 PM
bulacan Dalawampu katao, karamiha’y lalaki, ang nadakip nang salakayin ng mga pulis ang isa umanong cybersex den sa San Jose del Monte City, Bulacan, Miyerkules ng gabi. Pito sa mga nadakip ay babae habang 13 ay lalaki na hinihinalang nagre-record ng sexual act ng mga target para magamit sa pangingikil, sabi ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, direktor ng PNP Anti-Cybercrime Group. Nadakip ang 20 sa mga tanggapan ng Jaira Online Marketing Services sa ME Building, na nasa kahabaan ng Eraño Manalo st., Purok 6, Area-C, Brgy. Sapang Palay. Sinalakay ng mga tauhan ng ACG Cyber Response Team ang mga tanggapan alas-11:45 sa bisa ng search warrant na inisyu ng Guimba, Nueva Ecija, Regional Trial Court Branch 32 para sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cybersex Act of the Philippines. Bukod sa mga nadakip na suspek, nasamsam sa mga tanggapan ang 39 computer set, tatlong server, tatlong router, dalawang DSL device, isang CPU, 16 cellphone, at isang unit ng I-Pad. Dinala ang mga suspek sa headquarters ng ACG sa Camp Crame matapos maaresto.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending