Pinoy maiinggitin? | Bandera

Pinoy maiinggitin?

Susan K - June 22, 2016 - 12:15 AM

KUNG mayroong masamang ugali ang Pilipino, ito ang pagiging maiinggitin.
Kapag may umaasenso, masama ang loob ng isa, hindi siya makapapayag na asenso na ang kapwa samantalang siya ay hindi pa. Kaya gagawa ng lahat ng paraan upang mapigil ang pag-asenso ng kapwa. Hindi naman lahat…
Presente kasi palagi ang inggit na tinatawag.
Tulad ng mga Pinay OFW na sina Agnes at Maura. Kasambahay sila sa tahanan ng isa sa pinakamayamang employer sa isang bansa sa Asya.
Naging paborito ng kanilang amo si Agnes. Madalas siyang isama ng amo tuwing nangingibang bansa ito. Nakagaanan siya ng loob ng amo at ng mga anak nito.
Hindi ito ikinasiya ni Maura. Palagi siyang galit kay Agnes. Inggit na inggit siya kung bakit paborito si Agnes ng kanilang amo, at siya ay hindi.
Ang inggit na ito ang nagtulak kay Maura kung kayat hindi siya makapagpokus sa trabaho. Palagi siyang nag-iisip kung papaano niya pababagsakin ang kapwa Pinay na si Agnes.
Andiyan na siraan niya ang kapwa Pinay sa mga kapwa kasambahay nila. Sinabi nitong si Agnes ‘anya ang naninira sa kanilang lahat sa kanilang amo kung kaya’t siya lamang ang paborito.
Kaya naman kapag may kailangan si Agnes sa mga kasamahan, galit na rin ang mga iyon sa kaniya at hindi na rin niya naaasahan ang kooperasyon ng mga ito upang mas mapabilis ang kanilang mga trabaho.
Hindi na rin siya pwedeng makisuyo sa mga ito, siya na lang ang gumagawa ng gawain ng lahat.
Ramdam niya rin na tila sinasabotahe siya ng mga kasamahan upang masira siya sa kanilang amo.
Pero masipag at walang kibo si Agnes. Lalo niyang pinaghusay ang trabaho.
Nakapokus siya sa pangunahing dahilan ng kaniyang pag-aabroad: ang mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya sa kabila ng kanilang pansamantalang paghihiwalay.
Hindi madali para kay Agnes na iwan ang maliliit pang mga anak at umaktong ina sa mga anak ng kanyang employer.
Hindi mapabasgak si Agnes, ginawan na ito ng kwento ni Maura. Pinagbintangan nila si Agnes na nagnakaw.
Sinabi nito na nakita nila sa maleta ni Agnes ang ilang piraso ng alahas ng kanilang amo.
Nang pinagharap sila ng kanilang employer, natural na todo tanggi naman itong si Agnes. Tumayong mga testigo ang ilan pang kasambahay laban kay Agnes, sa harap ng kanilang amo.
Nagalit ang kanilang amo at ipinatawag ang lahat na naninilbihan sa kaniyang tahanan.
Ipinalabas nito ang mga kuha sa nakatagong CCTV camera na lingid sa kaalaman ng lahat na nakakalat pala sa buong kabahayan.
Doon nakita na madalas mag-ipon ipon ang mga kasambahay nang wala si Agnes. Nakita rin doon ang paglabas-pasok ni Maura sa loob ng kuwarto ng amo at may hawak na itong alahas. Iniabot ni Maura ang naturang alahas sa isa pang kasamahan at iyon ang alahas na itinuturo nilang ninakaw ni Agnes.
Sa galit ng amo, sinisante niya ang lahat na mga kasabwat ni Maura at pinaalis sa kaniyang bahay. Nawalan tuloy sila ng trabaho. Nagtagumpay si Agnes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending