Gay lover ni hunk actor nagbantang magpapakamatay | Bandera

Gay lover ni hunk actor nagbantang magpapakamatay

Ervin Santiago - June 22, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0504

HULAAN n’yo kung sino itong kilalang hunk actor na hindi raw “makatakas” sa relasyon niya sa isang mayamang gay businessman.

Matagal na raw gustong tapusin ni aktor ang love affair nila ng nasabing rich gay pero hindi raw nito magawa. Ang chika ng ating source, may pagbabanta raw kasi ang nasabing beki – magpapakamatay daw ito kapag hiniwalayan ni hunk actor.

Sabi ng ating source, “Siyempre natatakot ang lolo mo, baka nga naman totohanin ni _____ (pangalan ng gay businessman) ang banta niya. Hindi raw niya kakayanin kapag inusig na siya ng kanyang konsensiya. Kaya patuloy siyang nagpapakamartir sa piling nu’ng beki!”

In fairness, malaki raw talaga ang naitulong kay hunk actor ng nasabing negosyante, lahat ng pangangailangan niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay ibinigay sa kanya ng kanyang gay lover, pati ang pamilya niya ay suportado ng kanyang karelasyon.

“Mabait naman kasi ang lolo mo, tumatanaw siya ng utang na loob du’n sa bading kahit na nga gamit na gamit din siya nito. Imagine, noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila, talagang halos araw-araw ang churvaness (read: sex) nila, as in literal na ginawa siyang sex toy. Ha-hahaha!

“Pero ngayon siyempre, parang gusto na niyang bumuo ng sarili niyang pamilya dahil hindi na siya bumabata. But the problem is, ayaw pa nga siyang pakawalan nu’ng bading.  “Mukhang pang-forever ang balak sa relasyon nila. Pansinin mo, hanggang ngayon single pa rin siya, wala siyang tumatagal na relationship,” sey ng source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending