Kailan magkakaroon ng permanenteng trabaho? | Bandera

Kailan magkakaroon ng permanenteng trabaho?

Joseph Greenfield - June 22, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Nelissa ng Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako natatanggap. Minsan ay nagkatrabaho na ako, pero contractual lang at hindi rin ako na-regular. Kailan kaya ako magkakaroon ng permanente at regular na trabaho? Tapos po ako ng kursong HRM kaya lang lagi nga pong hindi related sa course ko ang mga napapasukan ko. Sa palagay n’yo, kailan ako makakatagpo ng permaneteng trabaho na relatd sa course ko? October 6, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Nelissa ng Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at magandang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sa ibang bansa ka mag-aaplay ng trabaho, mas malaki ang tsansa na doon ka umunlad at umasenso, kesa magpakahirap kang mag-aplay sa mga local companies na wala namang magandang future dahil sa sobrang liit ng suweldo dito sa ating bansa.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Nine of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sisimulan mo nang mag-aplay sa abroad ngayong buwang ito ng Hunyo at Hulyo, tiyak ang magaganap. Sa tulong ng isang lalaking matagal mo nang kakilala may isang may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending