Grabe ang trending ng loveteam nina Patrick Garcia at Nikki Gil sa Apoy Sa Dagat kaya isa kami sa kinukulit kung ano ang next project nilang dalawa together dahil nga maikli lang ang role nila sa nasabing sex-drama serye.
Oo nga, kami rin ay nagulat sa magandang chemistry nila on-camera kaya ano nga ba ang next serye nila?
Anyway, pinupuri namin ang acting ni Nikki dahil challenging ang role niya bilang isang bayarang babae dahil in real-life ay intact pa ang virginity niya may maniwala man o hindi.
At mas bumilib pa kami sa love scene nila ni Patrick dahil paano mo ipo-portray ang ganu’ng role kung wala ka pang karanasan?
Kaya talagang napahanga kami ni Nikki nang husto at higit sa lahat, wala siyang hesitations sa kanyang papel maski mukha siyang losyang.
Nalaman din namin sa ibang nakatrababo nang aktres na talagang wala raw siyang reklamo sa set at parating on time at kapag break-time ay nasa isang tabi lang at nagbabasa ng libro o kaya’y nakikinig sa IPod niya.Kaya naman puring-puri siya ng lahat at hindi na kami magtataka kung bakit sobrang ganu’n ang respeto sa kanya ng boyfriend niyang si Billy Crawford.
Anyway, wala na ang karakter nina Patrick at Nikki sa susunod na linggo pero mas kaabang-abang ang mga eksena nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual dahil talagang may mga ginawa raw sila as serye na ikagugulat ng manonood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.