2 notorious na drug dealer patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa QC
PATAY ang dalawang tinaguriang notorious na drug dealer sa National Capital Region (NCR) matapos makasagupa ng mga operatiba ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) kaninang umaga malapit sa isang gasoline station sa kahabaan ng NIA Road sa Quezon City.
Sa ulat ni Superintendent Rodelio Marcelo ng Quezon City Police
District Station and Investigation and Detection Unit, sinabi niya na napatay sina Asnawe
Ala, 23, residente ng Dasmariñas, Cavite, at Khalid Amintao, 36, ng Pasig
City, nang makipagpalitan sila ng putok sa mga pulis ganap na alas-4 ng umaga sa NIA Road sa Pinyahan st. sa Quezon City.
Kapwa nagtamo ang dalawang suspek ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sinabi ng imbestigador na si PO3 Jogene Hernandez na magsasagawa sana ng buy bust operation ang mga pinagsanib na puwersa ng CIDG-NCR, Highway Patrol Group at City Hall Detachment Quezon City nang makatunog ang dalawa na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang asul na Toyota Altis, dahilan para magresulta sa palitan ng putok at maiksing habulan, ayon kay Hernandez.
Nasukol ang dalawa na malubhang nasugatan. Dinala sila sa East Avenue Medical Center, bagamat idineklarang dead on arrival ganap na alas-4:05 ng umaga.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang Toyota Altis ng mga suspek na naglalaman ng tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon; dalawang .45-Colt at magazine na puno ng bala.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.