Bossing bilib sa dami ng talento ni Maine: Saludo ako sa'yo! | Bandera

Bossing bilib sa dami ng talento ni Maine: Saludo ako sa’yo!

Ervin Santiago - June 20, 2016 - 12:01 AM

vic sotto at aldub

FEEL na feel ni Vic Sotto ang pagiging tatay niya sa Dubsmash at TV commercial Queen na si Maine Mendoza.

Grabe ang papuri at pagmamalaki ni Bossing kay Maine sa nakaraang episode ng kalyeserye sa Eat Bulaga, napatunayan na raw kasi niya na talagang napakara-ming talento ni Yaya Dub bilang isang artist.

Si Vic ang naglapat ng musika sa awiting isinulat mismo ni Maine, ang “Imagine You And Me” na siya ring titulo ng upcoming movie nila ni Alden Richards. Si Jimmy Antiporda naman ang nag-areglo ng naturang kanta.

Bago kantahin nina Maine at Alden ang official soundtrack ng kanilang movie ay nagbigay muna si Bossing ng mensahe para kay Yaya Dub. “May naramdaman akong kakaiba, e. Hindi siya out of the ordinary na lyrics ng kanta. Galing sa puso, e,” pahayag ng TV host-comedian.

Sey ni Vic, hindi naging mahirap sa kanya na lapatan ng tono ang “Imagine You And Me” dahil ramdam na ramdam na niya agad ang puso ng kanta. “Tinitingnan-tingnan ko lang yung letra. Nilalaru-laro ko lang yung magandang tono rito. Kausap ko si Misis (Pauleen Luna), kakanta ako ng kaunti. Tapos nu’ng nasimulan, sa loob ng 30 minutes natapos ko na,” pahayag ni Bos-sing.

Sa huling mensahe ni Bossing para sa kanyang anak-anakan, “Maine ang dami mong talento. Ako’y saludo sa ‘yo. “Tulad ng nabanggit ko kanina, isang basa ko pa lang sa lyrics na ginawa mo, I know na you have that something to be a very good songwriter. Just keep it up.

“Ang importante sa pagsusulat ng kahit ano, letra man o musika, ang importante rito yung nanggagaling sa puso. Yung totoo,” sey pa ni Bossing. Ngayon pa lang ay inaabangan na ng milyun-milyong miyembro ng AlDub Nation ang first solo movie nina Maine at Aldub. Trailer pa nga lang nito ay kilig na kilig na ang mga fans, e, di lalo na siguro kapag ipinalabas na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending