Mark naghahanap na ng singsing para kay Wynwyn: Siya ang present at future ko!
PATUTUNAYAN ni Mark Herras sa buong mundo na totoo at abot-langit ang pagmamahal niya kay Winwyn Marquez.
Ayon sa Kapuso actor, handa niyang gawin ang lahat para mapatunayan kay Winwyn na seryoso siya sa kanilang relasyon. Aniya, lagi niyang ipinagdarasal na sana’y sila na ang “forever” ng isa’t isa. Alam n’yo ba na ilang beses nang binasted ni Winwyn si Mark pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa hanggang sa ibigay na rin ng Kapuso actress ang matamis na “oo”.
Natanong si Mark sa presscon ng bagong afternoon series ng GMA na Sa Piling Ni Nanay, kung may plano na ba siyang mag-propose sa kanyang girlfriend, “Hindi pa, naghahanap pa ako ng singsing. Ha-hahaha!” Hindi raw kaya mag-expect si Winwyn ng bonggang proposal? “Wala namang dapat mag-expect, ang kailangan ko riyan ay patunayan. At patutunayan ko at yun lang ang kaila-ngang abangan, kung mapapatunayan ko.”
Tinanong din ang Kapuso actor kung paano niya ide-describe ang relasyon niya kay Winwyn, “Well, hindi siya yung past ko, si Win is my present and my future. “I mean, ayoko nang pag-usapan yung nakaraan kung sino man o ano man. I’m very sure right now, marami akong naging plano this time na hindi lang siya na-stuck sa pagi-ging plano. Na nagagawa ko rin siya, hindi lang siya puro salita at napu-push ako ni Win to do it,” hirit pa ni Mark.
Hangga’t maaari ay ayaw nang magdetalye pa ni Mark tungkol sa love story nila ni Winwyn, “Nakita n’yo naman sa Instagram na we’re open sa public, lalo na ako, to express my feelings for her. “Pero siyempre, gusto rin naman naming magtira ng konting privacy for ourselves, especially for Win. Hindi naman siya sanay na maging public yung relationship niya.
“Hindi ko kailangang mag-adjust, pero kailangan ko rin siyempreng protektahan si Win,” sey pa ng binatang ama. Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ng kanyang leading lady sa seryeng Sa Piling Ni Nanay na si Yasmien Kurdi na hindi na raw siya playboy ngayon. “Playful lang hindi naman playboy. Magkaiba yun, hindi ko hahayaan na sasabihing playboy. Kilala naman ng lahat kung anong klaseng tao si Win, wala kang masasabing masama run.
“Matalino, mabait, pursigido sa buhay, seryoso sa buhay talaga at alam niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. “Knowing my past, ayoko na talaga siyang ibalik kasi, hindi rin ako proud kung ano yung past life ko. Nabansagan ako ng playboy pero hindi ako ganu’n.
“Kahit paano, masasabi ng ibang tao kay Win na ingat ka riyan sa boyfriend mo, na ganu’n si Mark. Ayokong ibalik kung anuman ang meron sa past ko, kasi gusto kong maging proud sa akin si Win,” sey pa ni Mark.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.