4 Pinoy powerlifters sasabak sa World Classic Championships | Bandera

4 Pinoy powerlifters sasabak sa World Classic Championships

Angelito Oredo - June 19, 2016 - 01:00 AM

NAKATUON sa medalya at kasaysayan ang batang si Joan Masangkay at tatlo nitong kasamahan sa pagsabak nito sa 2016 World Powerlifting Classic Championships na gaganapin ngayong Hunyo 19-27 sa Killeen Civic & Conference Center sa Killeen, Texas, USA.

Nangunguna ang 16-anyos lamang at 4-foot-10 na tubong Masbate pero residente ng Quezon City na si Masangkay at Veronica Ompod sa parehas nilang sasabakang female 43-kilogram sub-junior division at sina Jeremy Reign Bautista sa male 52kg sub-junior division at Leslie Evangelista sa men’s 47kg open division.

Nakapagbuhat na si Masangkay ng 82.5 kg sa snatch, 35 kg sa bench press at 100kg sa deadlift para sa total lift na 217.5 kg habang si Ompod ay may squat 85kg, bench press 42.5kg at deadlift 100kg para sa total lift na 227.5 kg.

Itinala naman ni Evangelista ang Philippine national record sa squat 115 kg, bench press 65 kg at deadlift 150 kg tungo sa total lift na 330 kg habang si Bautista ay may rekord sa squat 90 kg, bench press 60 kg at deadlift 127.5 kg para sa total lift na 277.5kg.

Kasama ng apat na atleta na nagtungo sa Amerika Sabado ng gabi sina coach at Powerlifting Association of the Philippines (PAP) president Eddie Torres, PAP secretary-general at chef de mission Ramon Debuque at director Cirilio Dayao.

“Ibubuhos lahat ng ating Philippine National Powerlifting Team ang kanilang makakaya para makapag-uwi ng medalya tulad nang ginawa ng mga kasamahan nila na may 23 golds, nine silvers at three bronze medals sa 2016 Asian Powerlifting Championships sa India noong Hunyo 6-12 lang,” sabi ni Dayao.

May 733 atleta na ang nagparehistro sa kumpetisyon. Magmumula ang mga kalaban ng mga Pinoy sa Estados Unidos, Britain, Germany, Poland, Canada, France, Japan, Ireland, Mexico, Sweden, New Zealand, Russia, Australia at iba pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending