Sexy pictorial ni Liza bilang ‘superhero’ kalat na
UMAGAW ng atensiyon ng mga fans ni Liza Soberano ang mga bagong litrato ng Kapamilya actress na makikita sa iba’t ibang lugar na dinarayo ng mga tao, pati na rin sa mga bus na bumibiyahe sa Metro Manila.
Ang gaganda kasi ng suot ni Liza sa mga nasabing photos na seksing-seksi ang dating. Kakaiba rin ang aura ng Kapamilya young actress sa pictures, na talaga naman nabibighani sa lahat ng mga nakakakita.
Dahil sexy ang ka-loveteam ni Enrique Gil sa mga nasabing litrato na akala mo’y isang superhero, nasabi tuloy ng ibang fans na Kapamilya actress na puwede pa lang lumabas na superhero si Liza. May hirit tuloy ang fans na bagay gumanap na Darna ang dalaga. With her height and beauty, papasa talagang bagong Darna si Liza.
Actually, ang mga nasabing larawan ay bahagi ng promo ni Lisa sa kanyang bagong endorsement – ang Yazz Prepaid Card at hindi para sa isang bagong fantaserye o superhero movie. Ito ay isang bagong prepaid card which functions like a credit card. Puwedeng-puwede raw niya itong gamitin to buy whatever she wants or desires.
Bagamat hindi pa siya puwedeng magkaroon ng credit card, dahil Jazz Card ay pwede na ma-experience ni Liza na mamili on her own own kahit hindi niya kasama ang kanyang mga magulang. Excited na nga siya na mag-browse sa kanyang mga paboritong fashion boutiques.
“I just can’t wait to shop. Mabuti na lang may Yazz na pwede kong gamitin para makabili ng mga items na gusto ko,” sabi ng dalaga. Nakipag-partner na rin ang Yazz sa Family Mart, pumirma ang Metrobank Card Corporation last February ng isang partnership agreement with Philippine FamilyMart CVS, Inc., franchiser of the Tokyo-based convenience store brand para lumawak ang reach of its newest offering.
Sa halagang P300, puwede nang mag-avail ng isang prepaid Yazz card na mabibili sa mga merchant partners nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.