Kiray Celis bilang susunod na comedy queen: Feeling ko ang sarap maging AiAi Delas Alas! | Bandera

Kiray Celis bilang susunod na comedy queen: Feeling ko ang sarap maging AiAi Delas Alas!

Ervin Santiago - June 19, 2016 - 12:20 AM

kiray celis at aiai delas alas

SI Kiray Celis na nga ba ang susunod na Comedy Queen?

Napakalaki ng tiwala ni Mother Lily Monteverde sa kakayahan at talento ni Kiray pagdating sa comedy kaya ilang pelikula ang nakatakda nitong gawin sa Regal Entertainment. Pagkatapos ng blockbuster hit na “Love Is Blind”, malapit nang mapanood ang second movie niyang “I Love You To Death” with Enchong Dee.

Tanong kay Kiray sa presscon ng nasabing movie, napi-feel ba niya na puwede na siyang pumalit sa trono ni Ai Ai bilang Comedy Queen? “Feeling ko ang sarap, ang sarap maging Ai Ai. Pero hindi ko puwedeng puntahan yung mga pinuntahan niya.

“Lagi nilang tinatanong, ‘Sinusundan mo ba yung yapak ni Ai Ai?’ Hindi ko siya puwedeng sundan kasi hindi ko mapupuntahan yung mga napuntahan niya. Gusto kong sundan yung sarili ko, kung saan ko gustong pumunta.

“Gusto kong makilala bilang Kiray at hindi bilang ginagaya niya si Ai Ai. Not queen, hindi queen, hindi ko kayang maging queen. Puwede princess muna. Puwedeng Rising Comedy Princess. Wow, rising!” natatawang chika pa ng komedyana.

Sey pa ni Kiray, hindi rin siya mako-consider ng banta sa career nina Ai Ai, Melai Cantiveros at Pokwang, “Kakampi kasi nila ako kasi kami na lang ngayon ang nagko-comedy sa mundong ito, sa Pilipinas. “Maglalaban-laban pa ba kami? Pag nagsama-sama kami, riot yun, hindi nyo kami makikitang maglaban-laban,” aniya pa.

Paano kung pagsama-samahin nga sila sa isang pelikula? “It’s a dream come true kapag nangyari yun, sobrang saya nun, solid yun! Ai Ai, Pokwang, Melai, Eugene Domingo, tapos ako, wow! Grabe! Ang layo ko pa sa kanila pero pag mapasama ako, sobrang lucky ko naman.”

Inamin naman ni Kiray na mas malala ang nararamdaman niyang nerbiyos ngayon sa “I Love You To Death” kesa sa “Love Is Blind”, “Kasi du’n marami kami, e, and hit yun! Ang hirap pala kapag ang pinanggalingan mo, hit. Sana pala nag-flop na yung isa para pag flop ulit, okey lang.

“Gawa pa rin ng gawa kahit flop yung movie…iba pala yung flop nang flop nang flop nang flop! Kaysa sa hit tapos hit ulit, oh my God!” aniya pa. Showing na sa July 6 ang “I Love You To Death” sa direksyon ni Miko Livelo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending