PNoy nakausap na si Digong, nag-alok ng tulong sa uupong bagong pangulo | Bandera

PNoy nakausap na si Digong, nag-alok ng tulong sa uupong bagong pangulo

Bella Cariaso - June 17, 2016 - 04:14 PM

KINUMPIRMA ni Pangulong Aquino na pormal na silang nag-usap ni President-elect Rodrigo Duterte kung saan sinabi niya na nakahanda siyang tumulong sakaling hingan siya ng bagong presidente.

Sa isang maikling panayam pagkatapos na magpa-farewell lunch sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC), sinabi ni Aquino na malugod namang tinanggap ni Duterte ang kanyang alok na tulong.

Matatandaang nagpahayag ng matinding pangamba si Aquino sakaling manalo si Duterte sa pagkapangulo.

Nanawagan pa siya sa ibang kumandidato sa pagkapangulo na magkaisa para hindi manalo ang alkalde ng Davao City .

Nauna nang nag-ikot ang transition team ni Duterte sa loob ng Malacanang.

Kasabay nito, pormal nang nagpaalam si Aquino sa mga miyembro ng media, kung saan humingi pa siya ng pang-unawa sa mga pagkukulang niya at ng kanyang mga opisyal.

Nakatakdang magtapos ang termino ni Aquino sa Hunyo 30.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending