Tumbahan sa Caloocan | Bandera

Tumbahan sa Caloocan

Lito Bautista - June 17, 2016 - 12:15 AM

MAAARING ipagtanggol ang sarili sa masasamang balak ng iba, sa ngalan ng hustisya’t pagkakapantay-pantay, pero walang lugar ang poot. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (1 H 21:1-16; Slm 5:2-3ab, 4b-6a, 6b7; Mt 5:38-42) sa ika-11 linggo ng karaniwang panahon.

Nagpapatawa ba ang mga kolumnista ng broadsheet hinggil sa umano’y malaking pabuya para patayin sina Digong at Bato? Paano kokolektahin ng killer na mula sa oblo ang P500 milyon mula sa drug lord?
Sa daigdig ng droga, talamak ang onsehan at tumbahan. Iyan ang kaibahan ng kolumnistang nakatuntong sa lupa at kolumnistang nakatuntong sa malamig na alfombra ng five-star hotel.

Sa mga shooters, bilib pa rin sila sa JFK assassin. Si JFK ang pangulo na may pinakamaraming secret service on the ground. Alam ng matalinong assassin na iiwasan niya ang mga ito. Ngayong 2016, maraming sniper rifles na walang alingawngaw at ang isa riyan ay kayang tamaan ang target sa layo ng dalawang kilometro. Di pa kasama ang Stingers, na pababagsakin ang helicopter at jets na sasakyan ni Digong. Ang Stingers ay mabibili sa black market sa laylayan ng PH.

Ako’y nasa Evening Post (1976), at noon pa man, ay panakanakang may kumakanti kay FM, kahit pasiko lang. Agad na ipinagtatanggol siya ng tagapagsalita ng Malacanang, at malaking balita ang pagtatanggol sa apat na broadsheet (BT, TJ, DE, EP). Déjà vu ang pagtatanggol ni Sal sa pagmumura ni Digong. Paano “taken out of context” ang pu.. ina mo, son of a bitch, fu.. you? Susme, abogado ka pa naman. Nilalaro na ba siya sa parking ng netizens?

Kung idolo ni Duterte si FM, bakit sagad sa impiyerno ang pagkamuhi ni Digong sa media? Si FM ay nagalit lang sa isang reporter (ng UPI), na pinipilipit ang mga sagot ni FM sa kanyang mga tanong pagdating sa kable. Pero, hindi ipinapatay ni FM ang reporter na ito, at wala rin siyang ipinapatay na reporter. Wala ring ebidensiya na dawit si FM sa paglaho ni Tibo Mijares sa Amerika (napakaganda at napakabait ng asawa nito, si Judge Priscilla).

Nakukumbinsi na ako ng aking kaibigan sa justice beat. Magbibitiw si Lourdes Sereno sa loob ng termino ni Digong. Iyan ba ang dahilan kung bakit, sa batang edad, ay may palpitations na siya? Dapat suriin ni Sereno ang mga abogado de campanilla na kinuha ni Digong sa kanyang gobyerno. Wala siya sa kalingkingan ng mga ito.

Sabi ni Duterte, “legit targets” ang corrupt journalists. Maraming journalists ang iskwater at nagkaroon lamang ng sariling lupa (sila ang nagpatayo ng bahay sa kapirasong lupa) sa resettlement areas nina FM, FL at Jolly Benitez, tulad sa Cogeo, Bagong Silang at Silang.
Kaya naman, nasa resettlement areas kami nina Capadocia, Garafil, atbp. Nagkamali ka, Digong. Hindi kami nakatira sa mga subdivision at kami’y sanay sa krimen.

Buo na ang Oplan Super D sa North Caloocan, na kawangis ng DDS at kinabibilangan ng ilang pulis at sibilyan. Ang “Super” ay shabu at ang “D” ay durugista. Ito’y sa pagtalima sa sinabi ni Digong noong Pebrero: If I become president, it would be bloody because we’ll order the killing of all criminals, ang mga durugista at drug lords. Napakaraming durugista sa North Caloocan at sila ang nagpapayaman sa drug lords, na kinabibilangan ng dalawang politiko at tiwaling mga opisyal ng PNP.

MULA sa bayan (0916-5401958): Ako’y Katoliko, pero gusto kong bigtihin ang aming mayor na nakinabang sa droga. Ano ba ang hotline ni Bato? …1855

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending