Wally takot na takot sa panggagaya kay Boy Abunda: Ayoko pong ma-offend siya! | Bandera

Wally takot na takot sa panggagaya kay Boy Abunda: Ayoko pong ma-offend siya!

Ervin Santiago - June 16, 2016 - 12:10 AM

wally bayola at boy abunda

BUKOD pa sa pagganap bilang Lola Nidora sa kalyeserye ay sumisikat na rin ang panggagaya ni Wally kay Boy Abunda sa Sunday PinaSaya ng kasama si Barbie Forteza na gumagaya naman kay Kris Aquino. Nu’ng unang ipagawa ito sa kanya, naghayag siya ng pagkabahala dahil nga taga-ABS-CBN ang award-winning TV host at baka nga mabahiran pa ito ng malisya.

“Hindi naman ako nagrereklamo nagtanong lang kasi unang-una nasa kabilang istasyon si Boy. Hindi ko alam kung magiging sensitive sila sa ganoong bagay. Pero sabi ni Ai Ai (delas Alas), ‘Hindi kaibigan ko yan okey lang yan.’ So sabi ko sige gagawin ko,” aniya. At para naman hindi ma-offend ang TV host ay talagang nag-research siya kung paano ito kumilos at magsalita. Maingat din siya sa panggagaya kay Boy kaya hindi raw masyadong OA ang atake niya.

“Pinag-aralan ko talaga yun. Tiningnan ko lahat ng interviews niya sa TV, kasi nakakahiya. Ang nakakahiya kasi sa pag-impersonate, kailangan maingat na maingat ka sa karakter, di pwedeng sumobra kasi baka ma-offend, so nakakahon talaga. May limit,” paliwanag niya.

Sa dami ng mga proyekto ngayon ni Wally, na madadagdagan pa ng Hay Bahay! kasama uli sina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, Oyo Sotto, Kristine Hermosa at Jose, natanong din namin sa kanya kung paano pa niya hinahati ang kanyang panahon sa work at sa family.

“Maraming sacrifices. Wala na yung gimik-gimik, wala na yung bar muna after work. Uwi na agad sa bahay. Kailangan magpahinga talaga. Nakakalungkot din kasi yung mga friends ko sila nakakapag-bar, inom. Eh wala kwento-kwento na lang. Minsan sa Facebook o social media ka na lang nakiki-update. So sacrifcie talaga.” “Itong ginagawa ko naman para sa family ko eh, so ang reward lang na gusto ko is to see na okey sila, na malagay ko sila lahat in order. Pati mga edukasyon ng mga bata,” dagdag ng komedyante.

Kinumusta na rin namin ang daughter niya na nagki-chemo dahil sa sakit nito, “Okey naman na siya, bumalik na siya sa school. Tapos na yung therapy. Pinayagan na siya ng doctor na bumalik sa school kahit na under remission pa siya ngayon, siguro mga three years pa. Kaya happy naman ako na okey na siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending