Golden State Warriors isang panalo na lang | Bandera

Golden State Warriors isang panalo na lang

- , June 12, 2016 - 01:00 AM

CLEVELAND — Kumamada si Stephen Curry ngd 38 puntos habang si Klay Thompson ay nagdagdag ng 25 puntos para sa Golden State Warriors na lumapit sa isang panalo para matagumpay na maidepensa ang titulo matapos talunin ang Cleveland Cavaliers, 108-97, sa Game 4 ng 2016 NBA Finals kahapon.
Umiskor lamang si Curry ng kabuuang 48 puntos sa naunang tatlong laro subalit bumitaw ang two-time league MVP ng pitong 3-pointers habang ang kanyang Splash Brother na si Thompson ay bumira ng apat na tres para sa Warriors na nahablot ang 3-1 lead sa kanilang serye.
Ang Golden State, na nakagawa ng kasaysayan sa NBA sa pagtala ng 73-win regular season, ay magiging ikapitong prangkisa na nanalo ng magkasunod na titulo kung magwawagi sa Game 5 ngayong darating na Martes sa Oracle Arena, kung saan nanalo sila sa unang dalawang laro ng pinagsamang 48 puntos.
“Work’s not done, obviously,” sabi ni Curry. “I’m glad I showed up a little bit, but we’re not done. We’ve still got some work to do.”
Matapos matambakan ang Warriors ng 30 puntos sa Game 3, nagkaroon ang Cavaliers ng tsansang itabla ang serye. Subalit hindi ito nangyari dahil napigilan ni LeBron James at kanyang mga kakampi sina Curry, Thompson o Harrison Barnes, na tumira ng apat na 3-pointers at nag-ambag ng 14 puntos.
Ang Warriors ay gumawa ng NBA Finals-record na 17 3-pointers.
Umiskor si Kyrie Irving ng 34 puntos para sa Cavs, na pipiliting manaig sa Game 5 para makaiwas na maging runner-up sa likod ng Warriors sa ikalawang sunod na taon.
Si James ay nagdagdag ng 25 puntos, 13 rebounds at siyam na assists para sa Cleveland.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending