Baron muling nasangkot sa gulo, inawat ng mga bouncer sa bar | Bandera

Baron muling nasangkot sa gulo, inawat ng mga bouncer sa bar

Ervin Santiago - June 12, 2016 - 12:25 AM

 

baron geisler

TAKAW-AWAY talaga itong si Baron Geisler. At kung hindi siya mag-iingat posibleng pagtripan siya ng mga taong naaangasan sa kanya at bugbugin nang bonggang-bongga.

Pagkatapos makipagsapakan sa indie actor na si Kiko Matos, nasangkot na naman sa panibagong gulo si Baron. Muli na naman daw itong nakipag-away sa labas ng bar sa may Tomas Morato, Q.C. Isang video ang kumalat sa social media kung saan mapapanood ang pagwawala ng aktor. Pero isang netizen na nagngangalang Wilbert Brandon Travis ang nagsabi na si Baron daw ang biktima sa insidenteng ito.

Ayon sa kuwento ni Wilbert, bigla na lang daw may sumuntok kay Baron sa tapat ng Guilly’s Bar sa Tomas Morato. Siyempre nabigla ang aktor at nagalit. Makikita sa video na inaawat na siya ng mga bouncer ng bar para huwag nang magkagulo sa lugar. Sinigawan pa ni Baron ng “Bakla ka!” ang isang paalis nang sasakyan.

Samantala, base sa mga nababasa naming reaksiyon ng mga netizens sa nalalapit na URCC cage fight nina Baron at Kiko sa June 25 sa The Palace Pool Club, mas marami pa rin ang Team Geisler, iilan pa lang ang kumakampi kay Kiko. Magbabakbakan ang dalawa bilang tugon na rin sa panawagan ng para matapos na ang kanilang hidwaan na nagsimula din sa isang bar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending