Vina humingi ng tulong kina Robin at Duterte para labanan si Cedric Lee
HUMINGI na ng tulong si Vina Morales sa dating boyfriend na si Robin Padilla sa pakikipaglaban nito kay Cedric Lee, ang tatay ng anak niyang si Ceana.
Halatang may takot na nararamdaman ngayon ang Kapamilya actress matapos niyang ibandera sa buong mundo ang mga naging atraso sa kanya ni Cedric, lalo na ang diumano’y pagtangay nito sa kanilang anak nang walang paalam.
Dahil dito, napilitan si Vina na magsampa ng reklamo laban kay Cedric, hiniling nito sa korte na huwag nang bigyan ng visitation rights sa kanilang anak ang negosyante.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Vina ng mensahe para kay Binoe at kay President-elect Rodrigo Duterte at tila humihingi na ng saklolo para maproteksiyunan silang mag-ina laban kay Cedric.
Isang picture ni Robin ang ipinost ni Vina sa IG na may caption na: “Bin, oh, Away ako!!! Sabi mo pag away ako, sumbong ako sayo Utol Kong Hoodlum.” Itinag pa ito ng aktres kay Robin.
Ang “Utol Kong Hoodlum” na tinutukoy ni Vina ay ang blockbuster movie nila ni Binoe noong 1991 under Viva Films.
Bukod dito, nag-post din si Vina ng photo ni Duterte na may nakasulat na: “Kung bugoy ka, mas bugoy ko sa imo” na ang ibig sabihin ay “Kung salbahe ka, mas salbahe ako sa iyo.”
Sey ni Vina nire-post niya ito dahil proud Bisaya rin siya tulad ni Digong. Aniya, “I’m not a political person, I’m a person with compassion but I believe that change is coming. Hoping and praying that things will fall into place with my case. Dili ko gusto ug away pero Dili na pud ko magpa daug daug (I’m speaking for myself).”
Samantala, sinabi naman ni Cedric Lee na sasampahan niya ng six counts of libel si Vina dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi nito tungkol sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.