'Puro peke ang 10 FB accounts na nakapangalan sa amin!' | Bandera

‘Puro peke ang 10 FB accounts na nakapangalan sa amin!’

Cristy Fermin - June 12, 2016 - 12:35 AM

rodrigo duterte 1

MATAGAL at paulit-ulit na naming sinasabi-isinusulat na wala kaming kahit anong social media account. Mahigit na sampung Facebook accounts ang nakalagay sa aming pangalan, pero ni isa du’n ay wala kaming kinalaman, puro mga posers lang sila na sobra-sobra siguro ang oras sa maghapon kaya ang sisipag magkomento at mag-post ng kung anu-ano.

Isang kaibigan namin na galing sa ibang bansa ang nagpa-add sa isa sa mga FB accounts na amin daw, kinumusta nito ang mga kaibigan namin sa kolehiyo, walang maisagot ang poser.

May isa namang bira nang bira kay President-elect Rodrigo Duterte, kung anu-anong komento ng kabastusan ang pinagsasasabi ng poser, kaya nagagalit siyempre sa amin ang mga tagasuporta ng mauupong pangulo.

Minsan pa ay gusto naming ipagbigay-alam sa publiko na wala po kaming kahit anong social media account, ang mga nakalagay sa aming pangalan ay iba ang gumagamit at hindi kami, kaya anumang opinyon-komentong lumalabas du’n ay wala kaming pananagutan.

Ang mga impormasyon sa social media ay nalalaman lang namin mula sa aming assistant na si Japs Gersin, ito ang nagpaparating sa amin ng mga nangyayari, dahil wala kaming kahit anong social media account.

Magagaling ang mga posers namin, pati ang paraan ng aming pagsasalita at pagsusulat ay napaplakado nila, sumasablay lang sila sa mga personal na impormasyon.

Ang aming damdamin, opinyon at emosyon ay mababasa n’yo lang sa aming mga kolum sa tatlong pahayagan at sa aming programa sa radyo (Aksyon TV-41, 92.3 News FM, Cristy Ferminute). Maraming salamat po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending