Jessy Mendiola, Vin Abrenica mapapalaban sa iyakan | Bandera

Jessy Mendiola, Vin Abrenica mapapalaban sa iyakan

Ervin Santiago - June 11, 2016 - 12:05 AM

jessy mendiola at vin abrenica

ISANG mapaghamong kwento ng pagbangon ng isang babaeng iniwan ng lalaking akala niya ay makakasama na niya habangbuhay ang gagampanan ni Jessy Mendiola kasama ang pinakabagong Kapamilya na si Vin Abrenica ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya.

Engaged na si Christina (Jessy) sa kanyang long-time boyfriend na si Jay (Vin) nang magpasya ang binata na hiwalayan ito para unahin ang kanyang karera sa musika. Mababalot ng poot at lungkot si Christina sa nangyari kaya naman magpapakalugmok ito at mawawalan ng gana sa buhay. Hindi na siya pumasok sa trabaho at nagpabaya sa kanyang katawan.

Hanggang isang araw ay niyaya si Christina ng kaniyang mga kaibigan na sumali sa kanilang pole dancing class. Nahirapan siya noong una hanggang sa unti unti niya itong nakahiligan. Nagsilbi itong distraction sa pinagdadaanan niya.

Pagkatapos ng matagal na panahon na inilaan sa pole dancing, nagdesisyon si Christina at ang kaniyang mga kaibigan na magtayo ng sarili nilang pole-dance company – ang Polecats Manila. Sa muling panunumbalik ng ngiti sa kanyang mukha ay ang hindi rin inaasahang pagbabalik ni Jay sa buhay niya. Mabalot kaya muli ng kalungkutan si Christina? May pag-asa bang magkabalikan sina Christina at Jay?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Allyson McBride, Karen Timbol, Danita Paner, Kyra Custodio, Isabel Lopez, AJ Muhlach, Regine Tolentino at Lolie Mara, sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng at sa panulat ni Arah Jell Badayos.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending