Kiray, Enchong naghipuan ng puwet; Todo sa laplapan at love scene
WALANG arte-arteng inamin ni Kiray Celis na pinanggigilan niya ang puwet ng kanyang bagong ka-loveteam na si Enchong Dee.
Sa presscon kahapon ng latest offering ng Regal Entertainment na “I Love You To Death” tawa nang tawa ang entertainment writers dahil sa walang prenong bibig ni Kiray, lalo na sa mga naging experience niya kay Enchong.
Sey ni Kiray, si Enchong daw ang naunang humawak sa puwet niya kaya gumanti lang daw siya, “Siyempre tinapik-tapik ko rin yung kanya. Ang lagay siya lang! Ayon nga sa kasabihan, kung anong ginawa sa iyo gawin mo rin sa kanya! Para it’s a tie!” May halikan at love scenes din sina Kiray at Enchong sa “I Love You To Death” at inamin ng bulinggit na komedyana na habang ginagawa nila ang mga nasabing eksena ay may malisya siyang naramdaman.
“Huwag na tayong magpakaipokrita, meron naman talaga. Siyempre babae ako, lalaki si Enchong tapos maghahalikan kayo, may patungan factor pa, so kahit anong iwas ang gawin mo, magkakaroon at magkakaroon ng malisya kaya nga dapat lagi mong iisipin trabaho lang lahat para walang churva sa ending!” diretsong chika ni Kiray.
Makakasama rin sa latest horror-sex-comedy ng Regal Films na “I Love You To Death” sina Betong Sumaya, Devon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables at Janice de Belen, sa direksiyon ni Miko Livelo.Showing na ang pelikula sa July 6 sa mga sinehan nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.