Sino sa dalawang BF ang dapat piliin? (2) | Bandera

Sino sa dalawang BF ang dapat piliin? (2)

Joseph Greenfield - June 11, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Cathy ng San Roque, Bombon, Camarines Sur
Problema:
1. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo dahil sa kasalukuyan dalawa ang boyfriend ko at nais ko lang malaman kung sino sa kanilng dalawa ang dapat kong piliin kung sakaling mag-aasawa na ako?
2. Sa ngayon kasi ay pareho ko silang mahal at pareho din nila akong nagagalaw na. Sino po ba dalawang ito ang mas ka-compatible ko na dapat kong makatuluyan. Si Mr. Aquarius po ban a isinilang noong February 10, 1989 o si Mr. Capricorn na isinilang noong December 27, 1988? October 4, 1992 naman po ang birthday ko.
Umaasa,
Cathy Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing higit mong ka-compatible iyong lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius, dahil ang zodiac sign mong Libra ay sadyang tugma at compatible sa zodiac sig niyang Libra kung saan, kapwa kayo nagtataglay ng elementong air o hangin.
Numerology:
Ang birth date mo namang 4 na may ruling planet na Uranus ay nagsasabing higit mong ka-tugma ang lalaking isinilang sa petsang 10 kung saan ang numerong 10 ay may ruling planet na Sun, na tugmang-tugmang ipares sa birth date mong 4 na may ruling planet nga na Uranus.
Luscher Color Test:

Upang manatiling maligaya at maunlad ang bubuuin ninyong pamilya, sa araw ng kasal siguraduhin lamang na gumamit ng motif na kulang dilaw o kaya’y pula. Sa nasabing kulay, tuloy ang isang maunlad at maligayang pamilya habang buhay.
Huling payo at paalala:
Cathy sundin mo lang ang mga mungkahing binanggit na sa itaas, piliin ko ang lalaking isinilang noong February 10, 1989 at siya ang inyong dapat na pakasalan, upang sa ganon, mas matiyak ang isang mas masagana at mas maligayang pagpapamilya habang buhay na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod nataong 2017 sa buwan ng Setyemrbe 24 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending