Mt. Bulusan sumabog, nagbuga ng usok, abo | Bandera

Mt. Bulusan sumabog, nagbuga ng usok, abo

Leifbilly Begas - June 10, 2016 - 03:15 PM
NAGBUGA ng usok at abo ang Mt. Bulusan bago magtanghali kahapon.      Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology alas-11:35 ng umaga ng maganap ang ‘stream-driven explosion’ sa bulkan.      Tumagal ito ng limang minuto  at umabot sa dalawang kilometro ang taas ng ibinuga nitong abo na tinangay ng hangin patungong hilagang kanluran.      Nananatili ang Alert Level 1 sa Bulusan na nangangahulugan na may nagaganap na hydrothermal processes sa ilalim nito na nagdudulot ng stream-driven eruptions.      “The local government units and the public are reminded that entry to the 4-kilometer radius Permanent Danger Zone is strictly prohibited due to the possibility of sudden and hazardous steam-driven or phreatic eruptions. “       Nagbabala rin ang Phivolcs sa mga piloto na umiwas sa bukana ng bulkan dahil mapanganib ang phreatic eruption sa mga sasakyang panghimpapawid.      Pinaalalahanan din ang mga residente na nakatira sa daanan ng tubig sa posibleng pag-agos ng lahar at iba pang bagay mula sa bulkan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending