Wish ni Snooky: Makasama si Maricel sa serye at gumanap na transgender | Bandera

Wish ni Snooky: Makasama si Maricel sa serye at gumanap na transgender

Ervin Santiago - June 04, 2016 - 12:35 AM

snooky serna at maricel soriano

KUNG wala nang ginagawang proyekto ngayon ang Diamond Star na si Maricel Soriano, very visible naman ang kasabayan at kaibigan niyang si Snooky Serna telebisyon at pelikula.

Bukod sa paggawa ng indie films, regular ding napapanood si Snooky sa number one GMA primetime series na Poor Señorita starring Asia’s Songbird Regine Velasquez and Mikael Daez.  Nakausap namin ang isa sa mga original Regal Babies ni Mother Lily Monteverde sa taping ng Poor Señorita kamakalawa ng gabi at dito nga niya nailabas ang abot-langit na pasasalamat sa GMA 7.

“No offense meant sa kabilang station ha, pero ang GMA talaga ang laging nagbibigay sa akin ng chance para makaarte uli. Kaya I’m very grateful sa kanila, sa tiwala at respeto na ibinibigay nila sa akin despite everything na nangyari sa buhay ko,” sabi ni Kukay.

Ayon pa sa aktres na gumaganap na kontrabida sa Poor Señorita na nagpapahirap sa buhay ni Ma’m Rita (Regine), enjoy na enjoy siya sa karakter niya sa serye dahil napaglalaruan daw niya ito, at napakasarap din daw katrabaho ni Regine at ng iba pa nilang co-stars.

“Sabi ko nga, I don’t care kung laging kontrabida ang ibigay sa akin ng GMA, na-realize ko kasi na ito pala talaga ang gusto kong gawin, I’ve already accepted the fact na tapos na yung time na lagi akong bida, sa akin nakasentro ang istorya, na ibang generation na ito. “And para sa akin, no offense meant sa mga nagbibida ha, yung pagiging kontrabida kasi mas broad, mas wide yung pwede mong gawin, pwedeng iba-iba depende sa sitwasyon,” ani Snooky.

Kung mabibigyan din daw siya ng chance, gusto ni Snooky na gumanap na isang transgender sa serye o pelikula. Type raw niyang magpakatomboy sa harap ng camera at makita ang sarili niya na nakadamit panlalaki. Game rin daw niyang gumanap na sugar mommy o isang psycho.

Samantala, isa sa mga nasa bucket list ngayon ni Kukay ang magkasama uli sila ni Maricel sa isang proyekto. Aniya, “You know what, hanggang ngayon napakataas pa rin ng tingin ko kay Maria, she’s really a true diamond in the industry. Napakatagal din ng aming pinagsamahan.

“Actually, walang kaplastikan to ah, nu’ng ginawa niya yung Ang Dalawang Mrs. Real isa ako sa mga sumubaybay doon. At napatunayan naman ng lahat na iba pa rin ang Diamond Star and Maricel Soriano is Maricel Soriano.

“Kaya kung magkakasama uli kami kami ni Maria sa isang proyekto, it’s a big blessing. Looking forward ako diyan. Sana may mga producer na makaisip ng perfect material for us,” sabi pa ni Snooky. Dagdag pa nito mas bongga kung isasama pa raw si Dina Bonnevie para reunion ng “Underage” girls ni Mother Lily.

Anyway, puro papuri naman ang ibinigay ni Snooky kay Regine bilang co-star nila sa Poor Señorita, “Siya ang bida sa soap namin pero hindi mo mararamdaman yun, she’s so kind at laging nagpapatawa. “Masayahin kasi si Regine kaya nahahawa ang mga tao sa paligid niya, pati production walang angal sa kanya dahil magaling siyang makisama. Wala siyang kaarte-arte sa katawan kaya ang sarap niyang katrabaho,” sey pa ni Snooky.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending