Kris, 2 anak ayaw pang umuwi ng Pinas; Diretso ng Californina galing sa Hawaii
FROM Hawaii Island to California, USA na ngayon ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby na akala namin ay bumalik na sa Pilipinas, pero hindi pa pala.
Base sa post ni Kris habang nagluluto siya ng baked spaghetti, “My sister Viel & my niece Jia are arriving tonight. My niece is super smart, she’s taking a summer course here (Nag Philippine Science then now in UP).”
Kaarawan naman ng panganay ni Kris na si Josh ngayong araw, Hunyo 4 (Pilipinas) kaya advanced celebration ang post niya kahapon habang nasa Boiling Crab Restaurant sila na dinudumog ng mga Pinoy doon lalo na ang mga bagong dating dahil marami ang servings at mura pa.
“Advanced Happy Birthday Kuya Josh. We’re eating dinner early to make sure we got a table. W/ Ninang Viel, Jia & our friend @iamgarygarcia, this was his choice- 1 of his all time favorite restaurants. #June41995.” Samantala, kailangang nakakamay kang kakain sa Boiling Crab kaya tanong namin kung maruno din bang magkamay ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby.
Mukhang miss na miss na si Kris ng kanyang fans dahil base sa mga nababasa naming post sa social media, gusto na raw nilang mapanood uli sa TV ang Queen of All Media. Sabi pa ng isa, “We miss you Krissy, bumalik ka na!” Bukod pa ‘yan sa nagsabing sana raw ay huwag siyang mawala ng matagal.
Nasa Nacho Bimby Promenade kami noong Huwebes ng gabi, ang isa sa mga negosyo ni Kris at nakita naming pila ang mga taong bumibili plus masarap tumambay sa puwesto nila kasi malamig ang aircon at masarap mag-people watch.
Bukod sa Promenade ay magbubukas na rin ang isa pang branch nito sa SM North Edsa, base sa post ni Kris, “Fingers crossed opening in@smsupermalls SM NORTH EDSA THE BLOCK on June 7, 2016 (Martes). Thank you sa tutok@chadominic & @nix722.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.