ISA po akong waiter sa isang sikat na restaurant sa Malate, Manila. Bagong pasok pa lamang ako at wala pang 2 linggo. Gusto ko lang po sana na itanong kung may share ang tulad ko na isang waiter sa sinisingil na service charge sa mga mga customers malaki laki din po lalo’t medyo mahal ang bilihin sa aming restaurant pero tinatangkilik ng mga customers dahil sa masarap daw na luto. Sana ay mabigyan ninyo ako ng paliwanag.
Alfred Alvarez
1023 Wagas St.
Tondo, Manila
REPLY: Para sa iyong katanungan Ginoong Alvarez, ang lahat ng manggagawa sa isang establisimento na kumukulekta ng service charge ay may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi na 85% sa kabuuang koleksyon. Ang naiwan o natirang 15% ay maaari namang gamitin upang mabayaran ang anumang gastos sa mga kagamitan na nabasag o nawala.
Ang service charges ay kadalasang kinukolekta ng halos lahat ng hotel, restaurant, night club, cocktail lounges at iba pa.
Ang bahagi ng mga manggagawa sa service charges ay ipinagkakaloob sa kanila minsan tuwing ika-dalawang linggo o dalawang beses sa isang buwan na hindi lalagpas sa 16 na araw.
Kung ang pangongolekta ng service charge ng isang kum-
panya ay inihinto o itinigil na ang average na parte ng service charge na dati nilang tinatamasa sa nagdaang 12 buwan ay dapat isama sa sahod ng mga manggagawa.
Usec Nicon Fameronag
DOLE Spokesperson
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.