SINABI ni Davao City Mayor at incoming President Digong Duterte na makikipagkita siya sa kanyang hinirang na Gabinete sa darating na linggo.
“Makikipagkita ako sa kanila as a group for the first time. Gusto ko ang aking Cabinet na hindi nagkakagalit sa isa’t isa,” sabi ni Digong.
Baka mabigla siya.
Karamihan ng kanyang presumptive Cabinet ay asar na asar sa incoming presidential spokesman na si Salvador Panelo.
Tinuturing nila si Panelo na isang abnoy at pakialamero sa hindi niya trabaho.
Halimbawa, na-shock ang marami niyang kasamahan nang mabasa nila kahapon ang panawagan ni
Panelo kay Sen. Miriam Defensor-Santiago na mag-concede na para hindi tumagal ang proklamasyon ni Digong.
“Hindi siya binigyan ni CM (City Mayor) ng kapangyarihan na sabihin yan,” sabi ng isang miyembro ng Gabinete ni Digong.
CM ang tawag ng kanyang mga tauhan kay Digong hangga’t hindi pa siya nakakatuntong sa Malakanyang sa June 30.
Kung sakali man, tanging si Vit Aguirre, ang presumptive justice secretary, ang puwedeng manawagan na mag-concede ang mga kalaban ni Digong sa kanya.
Si Aguirre ang abogado ni Digong sa canvassing of votes sa Kongreso.
“Pero hindi gagawin ni Aguirre ang kabalbalang ginawa ni Panelo,” sabi ng aking source.
Kahit na si Sen. Koko Pimentel, na namumuno sa Senate canvassing panel at kapartido ni Digong sa PDP-Laban, ay nagsabi na walang katuturan ang panawagan ni Panelo kay Senator Santiago.
“Hindi importante at walang katuturan,” sabi ni Pimentel.
Si Santiago ay kulelat sa bilangan ng boto sa pagka-Pangulo.
Ang ibang mga presidential candidates na sina Mar Roxas, Grace Poe at Jojo Binay ay nag-concede na ng pagkatalo.
Isang araw, nagtawag si Bingbong Medialdea, appointed executive secretary, ng meeting ng lahat ng hinirang na Cabinet members upang magpakilala sa isa’t isa.
Pinagalitan ni Medialdea si Panelo dahil nagdala ito ng tatlong magandang babae sa meeting na dapat ay para sa mga Cabinet members lamang.
“Parang binubugaw ni Panelo ang tatlong babae,” sabi ng isang Cabinet member.
“Magbabastusan ba tayo dito?” tanong ni Medialdea kay Panelo.
Ang pagpili kay Panelo bilang presidential spokesman ay maaaring kagagawan ni Digong na mapagbiro at mapaglaro sa media.
Sa ngayon, tinatanggap ng media si Panelo bilang komedyano dahil sa magulong set-up sa pagpili ng mga taong magiging miyembro ng administrasyon ni Digong.
Pero kapag nagpatuloy si Panelo na maging presidential spokesman pagkatapos ng June 30, ituturing ng mga reporters na ininsulto sila at sila susuklian nila si Digong ng hindi na nakakatawang biro.
Insider info sa jockeying for positions sa loob ng kampo ni Digong.
Tinatarget ni dating Armed Forces chief of staff, retired Gen. Hermogenes Esperon, ang maging secretary of defense pero binigay sa kanya ni Digong ang puwesto ng national security adviser.
Abot langit ang pakiusap ni Dante Jimenez, president ng Volunteers for Crime and Corruption (VACC), para makuha ni Esperon ang puwesto ng defense secretary pero hindi siya pinaunlakan.
Kung kilala ko si Digong baka mawawalan ng puwesto si Esperon sa Gabinete kapag pinilit niyang maging defense secretary.
Bakit pa kasi atat na atat kang maging defense secretary? Marami bang ginto sa puwesto na iyan?
Akala ko ba ay wala nang korapsyon kapag naging Pangulo na si Duterte?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.