Regine miss na miss ang mga bata sa Poor Señorita | Bandera

Regine miss na miss ang mga bata sa Poor Señorita

Ervin Santiago - May 28, 2016 - 12:10 AM

regine velasquez

NAKABALIK na ng Pilipinas ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid mula sa kanyang “Timeless US Tour” at excited na uli siyang sumabak ulit sa taping ng GMA Telebabad series na Poor Señorita.

Inamin ni Regine na na-miss niya ang mga kasamahan niya sa serye, pamilya na raw kasi ang turingan nila sa taping, lalo na ang mga bidang bagets sa serye. Tiyak na matutuwa ang mga co-stars niya sa primetime series ng GMA lalo na ang mga bata na siguradong na-miss ang kanilang Nanay Rita. Napamahal na talaga ang mga kids sa Songbird lalo na’t sila lagi ang magkakaeksena kaya tuloy-tuloy ang kanilang kulitan at bonding sa set.

Samantala sa pagpapatuloy ng kuwento ng Poor Señorita, sasabihin na ni Rita sa mga bata na mawawala siya ng anim na buwan para magtrabaho sa Cebu. Siyempre, mabibigla ang mga kids at malulungkot sa sinabi ni Rita. Matuloy kaya ang plano na ito ni Poor Señorita? O biglang makaisip ng paraan ang mga bata para hindi na umalis ang kanilang Nanay Rita?

Tutukan ang mga nakakaaliw at nakakalokang mga eksena sa Poor Señorita gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending