Gardo: Kung boksingero nga kahit talo may hero’s welcome, pero bakit si Jaclyn Jose wala?
KUNG si Gardo Versoza ang tatanungin, karapat-dapat lang na bigyan ng hero’s welcome ang 2016 Cannes Film Festival na si Jaclyn Jose. Magkasama ang dalawa ngayon sa bagong sexy comedy show ng GMA na A1 Ko Sa Yo na mapapanood na next week sa GMA Telebabad.
Sey ni Gardo, dapat nga raw sa airport pa lang ay binigyan na ng bonggang pag-welcome ng gobyerno ang aktres bilang kauna-unahang Pinoy at Southeast Asian na nagwagi ng Best Actress sa Cannes.
“Kung yung boksingero nga kahit natalo siya, binibigyan ng hero’s welcome, di ba? Bakit hindi nila bigyan si Jane (tunay na pangalan ni Jaclyn) na isang malaking karangalan ang manalo sa Cannes?
“Hindi pa ba sapat iyon na si Jane ang kauna-unahang Pinay na manalo doon?” sey pa ni Gardo. Aniya pa, feeling niya hindi masyadong pinahahalagahan ng pamahalaan ang mga parangal na naiuuwi ng mga Pinoy actors mula sa ibang bansa.
“’Yan naman ang hindi ko maintindihan minsan. Ibang tao nabibigyan nila ng bonggang welcome. Pero pagdating sa ating mga artista, kahit na ilan na ang nag-uwi ng parangal mula sa mga international film festivals, parang dedma ang gobyerno natin. Nakaka-frustrate lang talaga,” pahayag pa ng Kapuso actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.