Julia kay Dennis: Matagal na kaming OK ni Papa!
MATAGAL nang nagkaayos ang mag-amang Julia Barretto at Dennis Padilla. Mismong ang Kapamilya young actress ang nagpatunay na okay na okay na sila ng kanyang tatay.
Kung matatandaan nagsimulang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mag-ama nang hilingin ni Julia sa korte na huwag nang dalhin ang apelyido ng kanyang ama. Julia Frances Baldivia ang tunay na pangalan ng dalaga. Baldivia ang real surname ni Dennis.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Julia, on speaking terms na sila ng kanyang daddy bago pa lumabas ang litrato nila habang nasa gym at sabay na nagwo-workout last month.
“Actually ‘yung gym na ‘yun super surprise. I knew that he goes to that gym and I go to that gym pero iba-iba ‘yung schedules namin so never kami nagkakatagpo. Nagulat ako, ‘Papa!’ It just happened. But we talked. We’ve been talking even before meeting. It wasn’t like we patched things up there. We patched things up even before that incident,” paliwanag ng Kapamilya actress.
Sey pa ng dalaga, para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang finally ay magkaayos na sila ng ama, “As a daughter, it makes me really happy because at the end of the day, he’s still my dad. No matter what, gusto ko sa huli okay kami, walang hard feelings.”
Nang tanungin kung ano ang reaksiyon ng nanay niyang si Marjorie Barretto sa pagbabati nila ng kanyang tatay, “My mom is happy naman wherever I’m happy, my siblings are happy. That’s why I appreciate my mom so much kasi pinapabayaan niya kami kung saan kami okay. Guidance lang.”
Sa nalalapit na Father’s Day, may plano na ba siya para kay Dennis? “Let’s see, baka sa gym ulit. Ha-hahaha! What does my daddy want? Siguro at this point, all he wants is for everybody to be okay, more than any material thing. I’m just glad this year is going so well so far.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.