Hamon ni Imelda Papin sa Comelec matapos matalo: Manual na bilangan sa CamSur | Bandera

Hamon ni Imelda Papin sa Comelec matapos matalo: Manual na bilangan sa CamSur

Ervin Santiago |May 24,2016
facebook
share this

Hamon ni Imelda Papin sa Comelec matapos matalo: Manual na bilangan sa CamSur

Ervin Santiago - May 24, 2016 - 02:00 AM

imelda papin

IPAGLALABAN ng Jukebox Queen na si Imelda Papin ang kan yang karapatan bilang isang Filipino at isang kandidato na naghahanap ng katarungan at katotohanan sa naganap na halalan sa Camarines Sur.

Kahapon, nagpatawag ng presscon ang singer-politician para ihayag na nag-file siya ng election protest laban sa kanyang katunggaling si Arnulfo Fuentabella bilang representative ng 4th district ng Camarines Sur.

Sa petisyon ni Papin, hinihiling niya sa House of Representatives Electoral Tribunal na mapawalang-bisa ang proklamasyon ni Fuentabella bilang Camarines Sur 4th District representative at utusan ang Commission on Elections na magsagawa ng manual count sa ginanap na eleksiyon noong May 9.

Ipinagdiinan pa ng veteran singer na mayroon na siyang lamang na 1,300 votes laban kay Fuentabella bago pa ang May 10 o ang araw bago matapos ang eleksiyon.

Ikinuwento pa ni Imelda na noong May 11, nagkaroon ng problema ang consolidation at canvassing system (CCS). At nang ipagpatuloy ang pagbibilang ng boto, nadiskubre ng election officers na ang mga SD cards ng ilang vote-counting machines ay blangko.

Kaya pagaspit ng umaga ng May 12, nalamangan na ni Fuentabella si Papin ng 740 votes kaya ito ang naiproklamang representative-elect kinagabihan. Iginiit pa ni Papin na itinuloy pa rin ng Comelec ang pagpoproklama kahit may 24,611 votes ang umano’y hindi pa nabibilang.

“Buong-buo ang aking loob na ipagpatuloy ang paghahain ng kaso sa House of Representatives Electorial Tribunal.

“Itinuturing ko pong isang krusada ang gawaing ito at sa tulong at gabay ng Poong Maykapal at sa panalangin at suporta ng lahat, malalampasan natina ng mga pagsubok na magbibigay daan tungo sa pagbabago at progreso,” ang paninindigan pa ni Imelda Papin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending